Senator-judges, hinimok na i-subpoena ang bank at tax records ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,167 total reads

Nanawagan ang mga youth group sa mga senator-judges ng impeachment court na maglabas ng subpoena para sa bank at tax records ni Vice President Sara Duterte upang matiyak ang ganap na transparency at pananagutan sa nagpapatuloy na impeachment proceedings sa Senado.

Kasabay ng pagpapatuloy ng pagdinig ng impeachment court ngayong araw ng Lunes ay nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng Senado ang Samahan ng Progresibong Kabataan o SPARK upang hilingin ang “full disclosure” ng lahat ng financial transactions ng Bise Presidente.

Ayon sa SPARK, mahalagang mabuksan at masuri ang mga nasabing dokumento upang magkaroon ng malinaw at komprehensibong pagtingin ang taumbayan sa financial history ni Duterte bilang isang pampublikong opisyal.

“It is the State’s primary obligation to investigate and prosecute all instances of government corruption, it must leave no stone unturned,” Bahagi ng pahayag ng grupo.

Binigyang-diin ng SPARK na ang mga bank at tax records ay mahalagang bahagi ng pagsisiyasat sa mga alegasyon ng katiwalian at dapat na maging bukas sa masusing pagsusuri ng publiko.

“These documents are vital in ensuring that the full picture of Duterte’s financial history as a public official is divulged and scrutinized by the Filipino people,” Dagdag pa ng grupo.

Kinundina rin ng SPARK ang pahayag ng kampo ni Duterte na ang pagbubunyag ng naturang mga bank at tax records ay maaaring maging kalabisan at mapang-abuso, sapagkat iginiit ng grupo na hindi dapat maging hadlang ang anumang depensa sa paghahanap ng katotohanan at pananagutan.

Ayon pa sa grupo, ang sinumang senador na boboto laban sa pagpapalabas ng subpoena para sa mga nasabing bank at tax records sa kabila ng pangangailangan ng masusing pagsusuri sa datos ay maaaring ituring na bahagi ng pagtatakip sa katiwalian.

“Duterte cannot hide behind her defense panel nor the senator-judges who are lawyering for her. In fact, the impeachment proceedings demonstrate a very crucial fact: there is no greater time than now to hold all public officials involved in corruption and remove them from office as soon as possible. Lahat ng sangkot, dapat managot,” Ayon pa sa SPARK.

Muli namang iginiit ng youth group ang kanilang panawagan sa pamahalaan na patuloy na pairalin ang mandato nitong imbestigahan at usigin ang lahat ng kasalukuyan at hinaharap na kaso ng katiwalian nang walang kinikilingan, anuman ang partidong pampulitika o posisyon ng sangkot na opisyal.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 4,821 total reads

 4,821 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 146,424 total reads

 146,424 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 181,101 total reads

 181,101 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 198,874 total reads

 198,874 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 235,359 total reads

 235,359 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 245,037 total reads

 245,037 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 4,823 total reads

 4,823 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top