Super typhoon Kiko, pinaghahandaan ng Archdiocese of Tuguegarao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 527 total views

Naghahanda na ang Arkidiyosesis ng Tuguegarao, Cagayan sa posibleng pananalasa ng bagyong Kiko na inaasahang magiging super typhoon sa mga susunod na araw.

Ayon kay Fr. Andy Semana, social action director ng Arkidiyosesis, ngayon ay maayos pa ang lagay ng panahon sa Cagayan, ngunit magsasagawa na sila ng mga paghahanda bilang pag-iingat sa magiging epekto ng bagyo.

“I [will] seek audience with the Archbishop and together with the team to discuss… ‘yung mga gagawin… I will suggest naman ‘yung mga paghahanda na dapat kailangang gawin,” pahayag ni Fr. Semana sa panayam ng Radio Veritas.

Idinadalangin naman ni Fr. Semana na nawa’y hindi na magdulot nang matinding epekto ang bagyo, lalo’t higit na huwag nang maulit ang naganap na malawakang pagbaha sa lalawigan na lubos na nakaapekto sa pamumuhay ng mga residente.

Matatandaang noong Nobyembre 2020 ay nalubog sa malawakang pagbaha ang buong lalawigan ng Cagayan sanhi ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam bunsod ng pagtaas ng tubig dahil sa patuloy na pag-uulang dala ng Bagyong Ulysses.

Batay sa tala ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, umabot sa mahigit 3.67-milyong residente ang naapektuhan ng pagbaha, kung saan 277-libong katao rito ang nawalan ng tahanan at nasa higit 70 naman ang mga nasawi.

Samantala, ayon naman sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong Kiko sa layong 670 kilometrong silangan ng Baler, Aurora.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging nasa 195 kilometro kada oras malapit sa sentro, pagbugso na aabot sa 240 km/h at kasalukuyang binabaybay ang direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 km/h.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 57,927 total views

 57,927 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 57,927 total views

 57,927 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 57,927 total views

 57,927 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,154 total views

 56,154 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 51,287 total views

 51,287 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top