Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 425 total views

Misa ng Huling Hapunan, 14 Abril 2022, Jn 13:1-15

Kapag nagkatipon tayo sa mesa para kumain sa umaga, ang tawag natin dito ay ALMUSAL. Kapag sa tanghali naman, ang tawag natin dito ay TANGHALIAN. At sa hapon o gabi ang tawag natin ay HAPUNAN. Bakit kaya ang Misa, kahit anong oras idaos ito, kahit umaga o tanghali, lagi siyang “hapunan”? Sagot—dahil ito ay paggunita sa “huling hapunan” na pinagsaluhan ng mga alagad noong Huwebes nang gabi kasama si Hesus.

Ayon sa kuwento ni San Juan, alam naman ni Hesus na wanted na siya sa Jerusalem. May presyo pa nga ang ulo niya, tatlumpung pirasong pilak na gantimpala sa sinumang magturo sa kanya. At alam naman natin kung sino ang natukso sa perang iyon. Nakasalo pa niya sa huling hapunan.

Alam daw ni Hesus ang naghihintay sa kanya sa Jerusalem, kaya nga pilit siyang kinukumbinsi ni Simon Pedro na huwag nang tumuloy.

Pero bakit tumuloy pa rin sila? Ang sagot ni San Juan nasa chapter 11. Dahil kay Lazaro. Di ba’t paulit-ulit daw siyang binalitaan nina Martha at Maria mula sa Betania na malubha ang sakit ng kapatid nilang si Lazaro at kung pwede ay i-prayover siya para gumaling?

Sa kasamaang palad, patay na siya nang dumating sila sa Judea, sa may bayan ng Betania, na malapit lang sa Jerusalem. Kaya masama ang loob sa kanya ng magkapatid, ni ayaw daw lumabas ni Maria noong una para salubungin siya. At nang napilit siyani Martha na lumabas, ang isinalubong sa kanya ay isang masakit na sumbat—“Kung narito ka lang, hindi sana namatay ang kapatid namin.” KUNG NARITO KA LANG. Ibig sabihin, wala ka. Nasaan ka nang kailangan ka namin? (Umiyak sila, at naiyak din si Hesus. Hindi kaagad umimik.)

Pag binabasa ko ang parteng iyon, alam niyo, ako ang sumasama ang loob. Kung naroon lang siguro ako, baka nasagot ko sila, baka nasabi ko, “Grabe naman kayo kung manumbat. Alam nyo bang wanted na si Hesus sa Jerusalem? Alam nyo bang binabalaan siyang patayin ng mga awtoridad kapag pumasok siya sa Judea? Pero sa kabila noon, kahit pinipigilan namin, nagpatuloy pa rin siya para damayan kayo. Tapos ganito pa ang isasalubong nyo sa kanya?”

Siyempre wala iyon sa ebanghelyo. Ako lang iyon. Pasensya na, tao lang po. Alam nyo naman ang tunay na kasunod ng kuwento—binuhay niyang muli si Lazaro. Pero ang naging kapalit ng buhay ng kaibigan ay kamatayan niya.

Kaya pala hindi normal ang dating ng hapunan na iyon. Napaka-tensiyonado. Walang ipinagkaiba sa hapunan na ginugunita nila.

Nasabi ko na sa inyo minsan na ang huling hapunan ng Bagong Tipan ay paggunita sa huling hapunan ng Lumang Tipan. Teka, meron din bang “last supper” sa Old Testament? Meron. Nasa book of Exodus. Naroon ang kuwento ng “last supper” ng mga Israelita bago sila tumakas upang lumaya sa kanilang pagkaalipin sa Ehipto. Ang tawag nila sa huling hapunan na iyon ay PASSOVER O PASKUWA. Tensionado rin ang gabing iyon dahil sa sandaling iyon dadaan ang anghel ng kamatayan para patayin ang lahat ng mga panganay, maliban sa makitaan ng dugo ng kordero na nakapinta sa may pintuan. Ito ang last supper na inuulit- ulit ng mga Hudyo taon-taon para ipagdiwang ang kanilang kalayaan. Iyon ang narinig natin sa ating first reading. Mahalaga kasi para sa mga Hudyo ang pagsasariwa ng kasaysayan upang hindi sila maligaw ng landas bilang isang bayan. Di ba may kasabihan, “Kapag nilimot natin ang kasaysayan, uulitin natin ito.” (Iyan ang mangyayari kapag nawala na sa alaala natin ang “GOMBURZA” at napalitan na ito ng MAJOHA.)

Ayon sa tradisyon ng mga Hudyo, bahagi ng paggunita ng kanilang huling hapunan ng Paskwa ay ang ritwal ng paghuhugas paa. Simbolo daw ito para sa kanila ng paghahanda para sa bagong landas na tatahakin ng kanilang mga paa palayo mula sa pagkaalipin, patungo sa isang buhay na malaya sa lupang pangako.

Sana tayo rin ay magkaroon ng ganyang tradisyon ng pagsasariwa ng kasaysayan. Tandang-tanda ko pa noong lumaya ang bansa natin sa mahaba at madilim na panahon ng pagkawala ng demokrasya. Kapag kinalimutan natin ang kasaysayan, baka ang maging direksyon ng ating mga paa ay patungo sa bangin ng pagkapariwara.

Para sa mga Hudyo, ang pinakamaduming bahagi ng katawan nila ay ang paa, dahil tumutungtong ang mga ito sa lupa, tumatapak sa alikabok, putik at sari-saring dumi. Hindi pa sila nagsasapatos noon. Sandalyas lang ang isinusuot kaya talagang manlilimahid ang mga paa kapag naglakbay sila.

Alam nyo ba na, kung sa ating mga Pilipino ang simbolo ng suwerte ay palad, sa mga Hudyo hindi palad kundi talampakan? Kasi daw, ang direksyon na pipiliing tahakin ng ating mga paa ay pwedeng MAGPALAYA, at pwede ring MAGPAALIPIN sa atin. Minsan, ang kalsada ng buhay ay para bang nagsasangandaan. Katulad nitong nalalapit na eleksyon. Aling landas ang ating susundin sa ating pagboto? Saan tayo mapapabuti? Saan tayo mapapahamak?

Pag dinala tayo ng ating mga paa sa maling direksyon, ang magdurusa ay mga anak at apo ninyo. Maawa kayo sa kanila. Kaya pala isinasaritwal ng mga Hudyo ang paghuhugas-paa bago kainin ang hapunan ng Paskwa. Inihahanda ang sarili patungo sa isang bagong direksyon sa buhay, mula sa kadiliman tungo sa liwanag, mula sa pagkaalipin tungo sa paglaya.

Kaya pala sa aklat ni Isaias, sinasabi ng propeta: Isaias 52:7 “O napakagandang pagmasdan ang mga paa ng mga sugong dumadaan sa mga kabundukan na nagdadala ng mabuting balita ng kapayapaan at kabutihan sa Jerusalem…”

Kaya rin pala sa awit ni Zacarias sinabi niya, “In the tender compassion of our God, the dawn from on high shall break upon us, to shine on those who dwell in darkness…and TO GUIDE OUR FEET into the way of peace.” (Lk 1:78-79)

May pangalawang kahulugan pa ang paghuhugas paa para sa ating mga Kristiyano. Ito naman ay patungkol, hindi sa hinuhugasan, kundi sa naghuhugas. Sa tradisyon ng mga Hudyo, isa raw sa mga tanda ng hospitality ng maybahay sa mga bisitang kasamang kakain ng hapunan ng Paskwa ang bigyan sila ng tig-iisang balde ng tubig para hugasan nila ang sariling mga paa nila.

Kung medyo mas galante ang maybahay, kukuha daw ito ng isang alipin, at uutusan ito na hugasan ang mga paa ng mga bisita. Pero hinding hindi mangyayari na ang host ang siya mismong maghuhugas ng kanilang mga paa dahil ito daw ay gawain ng alipin, nagpapababa ng pagkatao. Ito ang pinaka-radikal na kaibahan ng kahulugan ng paghuhugas-paa para sa ating Kristiyano. Ginugunita natin na ang gumawa nito ay si Hesus mismo na kinilala natin bilang Panginoon at Anak ng Diyos.

Kaya pala abot-abot ang pagtutol ni Pedro nang siya na ang huhugasan. Ang reaksyon niya ay, “Lord, huwag mo namang masyadong ibaba ang pagkatao mo, dahil napakataas ng pagtingin namin sa iyo.“ (Pero sa totoo lang, palagay ko, ibig din niyang sabihin na siya mismo hinding-hindi niya magagawa ito.)

Kaya si Hesus na mismo ang nagpaliwanag bakit niya ito ginagawa: upang bigyan sila ng aral at halimbawa. Ang sabi niya, “Guro at Panginoon ang tawag ninyo sa akin. Kaya hinuhugasan ko ang inyong mga paa upang bigyan kayo ng halimbawang inyong dapat tularan, upang kung paano ko ito ginawa sa inyo ay gagawin nyo rin sa isa’t isa.”

Sinabi na rin ito ng Panginoon noong natalos niyang nag-aaway-away na ang kanyang mga alagad dahil sa pulitika. Pinagtatalunan nila kung sino daw ba sa kanila ang dapat mapuwesto sa kaliwa at kanan niya. Ang isinagot niya ay ganito, “Ganyan sa daigdig, lalo na sa mga lider ng mga Hentil—nag-aasta silang Panginoon, naghahari-harian.” Delikado talaga ang malagay sa mga puwesto ng kapangyarihan. Pwedeng malasing ang tao, o mahibang. Sila ang mga tipong napaglalaruan ni Satanas, nagiging bagong klase ng alipin. Nahuhumaling, nagugumon sa kapangyarihan.

Ano ang gamot dito? Paghuhugas ng paa. Pagganap sa papel ng alipin. Pagpapakumbaba. Para sa atin na mga alagad ni Kristo, ang pamumuno ay dapat gawin sa diwa ng pagiging alipin, pagiging lingkod. Dahil ang Panginoon mismo ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod. Kaya pala napakahalagang itanong sa darating na Mayo sa pagpili natin ng tamang pinuno para sa bayan natin. Sino sa pagpipilian ang magiging tipong bosing, at sino ang magiging tipong katulong, hindi mahihiyang maghugas ng paa?

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 10,953 total views

 10,953 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 16,926 total views

 16,926 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 22,681 total views

 22,681 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 29,944 total views

 29,944 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 37,928 total views

 37,928 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 721 total views

 721 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 723 total views

 723 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,477 total views

 3,477 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,892 total views

 7,892 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,218 total views

 3,218 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,741 total views

 3,741 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,240 total views

 5,240 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,084 total views

 6,084 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,339 total views

 4,339 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,552 total views

 8,552 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,785 total views

 7,785 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,995 total views

 11,995 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,443 total views

 5,443 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,447 total views

 5,447 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,447 total views

 5,447 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top