Manila clergy, pinasalamatan at kinilala ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 693 total views

Kinilala at pinasalamatan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga pari ng arkidiyosesis na nanatiling matatag at malikhain sa pagtupad ng misyon bilang pastol ng simbahan.

Sa Chrism Mass na ginanap sa Manila Cathedra nitong Huwebes Santo, April 14, batid ng arsobispo ang maraming pagbabago sa lipunan lalo na ang dulot ng pandemya na labis ang epekto sa pamayanan kabilang na ang simbahan.
Hinangaan ni Cardinal Advincula ang pagsusumikap ng mga pari para ihatid sa pamayanan si Hesus na nagbibigay ng pag-asa sa mananampalataya.

“My dear brother priests, as your pastor here in the Archdiocese of Manila, I personally thank you for exercising discernment, creativity, and courage in the ministry amid the drastic changes in the world today; I particularly appreciate the sacrifices you had to make during the pandemic. You have dared for newness for the sake of faithfulness to the mission,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Paalala ng arsobispo sa mga pari na hindi ito nag-iisa sa pagtupad ng kanilang misyon kundi kasama nito ang kapwa pastol ng simbahan.

Tiniyak ng cardinal ang buong suporta sa bawat pari bilang punong pastol ng Archdiocese of Manila na mangangalaga sa mahigit 600 mga pari (diocesan & religious) na katuwang sa pangangasiwa sa 93 mga parokya sa limang lunsod.
“My brother priest you are never alone in the ministry, I assure you that you have a father and brother in me and my successors and a brother in the persons of your fellow priests,” dagdag pa ng cardinal.

Mula nang mailuklok na ika – 33 arsobispo ng Maynila ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinangunahan ni Cardinal Advincula ang Chrism Mass at iba pang gawain sa mga Mahal na Araw.

Bukod sa pagsariwa sa pangako ng mga pari binasbasan din ni Cardinal Advincula ang mga Banal na Langis (Oil of the Sick, Oil of the Catechumens, Oil of the Chrism) na ginagamit sa mga sakramento ng simbahan sa buong taon.

Bukod kay Cardinal Advincula at mga pari ng arkidiyosesis dumalo rin sa pagtitipon si Manila Archbishop Emeritus Cardinal Gaudencio Rosales, Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown at Novaliches Bishop Antonio Tobias.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 43,985 total views

 43,985 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 74,208 total views

 74,208 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 100,859 total views

 100,859 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 195,832 total views

 195,832 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 214,052 total views

 214,052 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top