Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tamang impormasyon, panlaban sa pangamba sa Dengvaxia

SHARE THE TRUTH

 323 total views

Mga Kapanalig, kasama po ba ang inyong anak, apo, pamangkin, o kapatid sa mga batang binigyan ng Dengvaxia, ang kauna-unahang bakuna laban sa dengue?
Sentro ng kontrobersiya ngayon ang naturang bakuna dahil sa pag-amin ng Sanofi Pasteur, ang pharmaceutical company na gumawa ng Dengvaxia, na, batay sa pinakahuli nitong pag-aaral, maaaring mas matindi ang tumamang dengue sa mga nabakunahan ngunit hindi pa kailanman nagkaroon ng sakit na ito. Kung totoong magdudulot ang Dengvaxia ng mas malaláng klase ng dengue sa mga nabakunahan, maituturing itong malubhang suliraning pangkalusugan sa ating bansa, lalo pa’t mahigit sa 700,000 mga bata sa mga pampublikong paaralan ang sumailim sa dengue vaccine program ng Department of Health (o DOH). Ipinasuspinde na ng Food and Drug Administration (o FDA) ang pagbebenta ng nasabing bakuna. Pansamantala ring ipinahinto ng DOH ang dengue vaccine program nito habang kinokonsulta nito ang mga eksperto.

Hindi maiiwasang mangamba ang mga magulang, ngunit hindi nakatutulong na may mga grupong iniuugnay ang dengue vaccine program sa genocide, o ang sadya at malawakang pagpatay sa mga tao. Mag-ingat po tayo sa ganitong konklusyon, lalo pa’t walang datos at ebidensyang ipinakikita ang mga kritiko ng programa upang sabihing patungo nga sa malawakang pagkamatay ang pagpapaturok ng Dengvaxia. Tandaan din po nating hindi lamang sa Pilipinas ibinibigay ang Dengvaxia; binabakunahan din po kontra dengue ang mga bata sa ibang bansa sa Timog Silangang Asya ngunit dito lang po sa atin may nagsasabing genocide ang programang bakuna ng DOH. Maging mapanuri po tayo sa mga naririnig natin dahil may mga grupong ginagamit ang isyu upang siraan ang mga kalaban nila sa pulitika o upang siraan ng mga health experts ang kapwa nila eksperto.
Gayunman, mahalagang subaybayan ang isyung ito tungkol sa Dengvaxia dahil nakasalalay rito ang kalusugan ng mga batang nabakunahan. Bagamat may mga kailangang papanagutin na mga opisyal ng pamahalaan—sa dati man o sa kasalukuyang administrasyon—na may dahil sa kanilang mga maling hakbang, ang papanatagin ang kalooban ng publiko ang kailangang tutukan ng pamahalaan. Sa halip na ubusin ang oras at pera ng bayan para sa pagbubuo at paghahain ng kaso, mas mainam na tipunin ng pamahalaan ang mga eksperto upang alamin kung ano ang pinakaepektibong paraan ng pagsubaybay sa magiging epekto ng Dengvaxia sa mga nabakunahan nito. Dapat mabigyan ng angkop na tulong ang mga batang binakunahan ng Dengvaxia kapag dinapuan sila ng mas malalang klase ng dengue.

Sa halip na gatungan ang mga mapanlinlang na impormasyon, dapat makipag-ugnayan ang pamahalaan sa World Health Organization (o WHO) at iba pang organisasyon upang malinawan sa epekto ng Dengvaxia. Sa madaling salita, ang isyung ito tungkol sa Dengvaxia ay hindi dapat hayaang mabahiran ng pamumulitika. Isa itong isyu ng pampublikong kalusugan na nangangailangan ng pagtutulungan ng mga experto sa maraming larangan, lalung lalo na ng medisina.
Karapatan ng lahat ang magkaroon ng maayos na pangangatawan at kalusugan, at malaki ang tungkulin ng pamahalaan sa pagtataguyod nito sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan na ligtas, epektibo, at naaayon sa mga etikal na pamantayan. Kinikilala natin sa Santa Iglesia ang ambag ng pagbabakuna, bilang bunga ng agham at teknolohiya, sa pangangalaga sa buhay ng tao sa pamamagitan ng pagbawas ng pagiging malalâ ng isang sakit katulad ng dengue. Ngunit karapatan din ng lahat na malaman at maunawaan ang mabubuti at hindi mabubuting epekto ng anumang gamot. Dahil ang pamahalaan ang nagpapatupad ng dengue vaccine program, tungkulin nitong tiyaking hindi malalagay sa alanganin ang kalusugan at buhay ng mga mamamayan.

Mga Kapanalig, tamang impormasyon ang unang pananggalang natin laban sa mga nakatatakot na balita. Maging mapanuri sa mga naririnig at nababasa, at mapagbantay sa magiging tugon ng pamahalaan sa isyung ito.
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,953 total views

 2,953 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,926 total views

 8,926 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,681 total views

 14,681 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,944 total views

 21,944 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,929 total views

 29,929 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 2,954 total views

 2,954 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 8,927 total views

 8,927 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 14,682 total views

 14,682 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 21,945 total views

 21,945 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 29,930 total views

 29,930 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,221 total views

 35,221 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,225 total views

 47,225 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,267 total views

 55,267 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,824 total views

 46,824 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,249 total views

 45,249 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,035 total views

 47,035 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,960 total views

 43,960 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,274 total views

 58,274 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,964 total views

 61,964 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,567 total views

 60,567 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top