Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tamang pasweldo at benepisyo, panawagan ng simbahan sa pagdiriwang ng Labor Day

SHARE THE TRUTH

 378 total views

Nakikiisa ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga Filipinong manggagawa sa pagdiriwang ng Labor Day.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity malaki ang ginagampanan ng sektor ng manggagawa sa lipunan dahil sa ambag sa paglago ng isang komunidad.

“Ang paggawa ng mga manggagawa ay napakahalaga sa ating panahon ngayon, napakahalaga sa ating bansa kasi kung walang manggagawa, walang mangyayaring aktibidad para po sa progress ng bansa,” ang pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo na mahalaga rin ito sa kanilang sarili sapagkat hindi lamang ito pamamaraan para kumita ng salapi kundi ito rin ay nagpapaunlad sa pagkatao ng bawat manggagawa.

Paliwanag pa ni Bishop Pabillo, marapat lamang na mabigyan ng wastong pagkilala ang mga manggagawa tulad ng pagbibigay ng tamang pasahod dahil ito rin ang inaasahan ng kani-kanilang pamilya.

“Nakikiisa ako sa mga manggagawa para po sa kanilang pagsulong ng usapin ng paggawa na mapahalagahan ang paggawa ng tao; na bigyan ng sapat na kaukulang salary, na sila’y maging makatao ang kanilang working condition at higit sa lahat maging permanente ang kanilang trabaho,” saad pa ni Bishop Pabillo.

Sa ensiklikal ni Saint John Paul II na Laborem Exercens, binigyang diin sa nasabing dokumento na karapatan ng bawat manggagawa ang wastong pasahod at benepisyo para sa kanilang kapakinabangan.

Sa pag-aaral ng IBON Foundation batay na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority 6.8 milyong Filipinong nagtatrabaho habang 27.8 milyon ang mga hindi regular sa kanilang trabaho o agency-hired na mga manggagawa.

Tinatayang nasa 4.6 na milyon din ang mga walang trabaho noong 2018 habang naitala ang 1.1 milyong trabaho ang nawala sa sektor ng agriukultura noong nakalipas na taon.

Umaasa ang mga lider ng Simbahan na bigyang pagpapahalaga ng pamahalaan ang mga manggagawa sa bansa bilang pagkilala sa ambang ng kanilang sektor sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anong solusyon sa edukasyon?

 10,270 total views

 10,270 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 18,710 total views

 18,710 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 34,857 total views

 34,857 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 42,984 total views

 42,984 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 49,961 total views

 49,961 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Economics
Norman Dequia

EU bonds, isinusulong ng European Union

 18,092 total views

 18,092 total views Isinulong ng European Union sa Pilipinas ang EU bonds bilang maasahan at ligtas na investment gayundin ang pagtiyak na matatag na global currency

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top