Tanggapin ng may kababaang loob ang resulta ng halalan, panawagan ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 901 total reads

Umaasa ang mga obispo ng Simbahang Katolika na mananaig ang tapat at payapang halalan sa bansa lalu na ang tunay na kagustuhan ng mga Filipino.

Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles-dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, nawa ay galangin ng bawat isa ang kalabasan ng halalan at magtulungan para sa kabutihan ng mas nakakarami.

“Given that election is a crucial and important process to make our democracy work. So, whatever would be the outcome, ang attitude natin is to come together, be together and respect the democratic way of government and then move forward by keeping and helping ourselves to make the government work and support the whoever is elected,” ayon kay Archbishop Valles.

Hinihikayat naman ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang mga mananalo at matatalong kandidato na tanggapin ang resulta ng eleksyon ng buong kababaang loob at tuwinang isaisip ang kabutihan ng mga Filipino.

“The winner must accept it with humility para may kapayapaan sa Pilipinas’, ayon kay Archbishop Jumoad.

Sinabi naman ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director Caritas Philippines, obligasyon ng mananalong kandidato, lalo na sa pinakamataas na posisyon ng pamahalaan na maging pinuno ng lahat ng sektor at pagkaisahin ang mamamayang Filipino.

“Sinumang mapili natin, hindi sila pinuno ng iisang sektor, hindi lamang sila pinuno ng mga bumoto sa kanila kung hindi sila ay magiging pinuno natin magiging lider natin. Sila ang mangunguna sa atin sa lahat,” ayon kay Bishop Bagaforo

“Their primary duty is to serve the people as what they have promised. Sila ay nangako ang kanilang pagsisilbi sa sambayanan. They have to be the leader of our people, they have to work and they have to manifest and they have to exert all efforts to unite and to rally all people in order for us to move on,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Paalala din ni Bishop Bagaforo sa mga supporter ng mga kandidato na huwag pabayaang masira ang kanilang mga personal na relasyon ng dahil sa naganap na halalan dulot ng magkakaibang pinapanigan.

“Wag sanang masira ang ating personal relationship with one another, pagkakaibigan. Hawak-kamay, magtulungan na tayo. Let’s hold hands together and support whoever wins para sa kabutihan ng ating lipunan at para sa kinabukasan ng ating susunod na henerasyon,” ayon pa kay Bishop Bagaforo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 63,343 total reads

 63,343 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 112,010 total reads

 112,010 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 159,883 total reads

 159,883 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 263,828 total reads

 263,828 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 346,879 total reads

 346,879 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top