VeritasPH

The Word, The Truth

Tangkilikin ang mga responsableng influencers

SHARE THE TRUTH

 207 total views

Mga Kapanalig, hindi natin maikakaila ang lawak at lalim ng impluwensya ng social media sa buhay nating mga Pilipino.

Sa buong mundo, nangunguna nga tayo sa haba ng oras na inilalaan natin sa paggamit ng social media. Sa isang araw, ang mga Pilipino ay karaniwang gumugugol ng apat na oras at 15 minuto sa social media, malayo sa global average na dalawang oras at 25 minuto. Sa isang survey naman ng Social Weather Stations, lumabas na halos lima sa sampung Pilipino ang may access sa internet. Sa bilang na ito, 98% o 29.4 milyon ang may Facebook account, at 24% ang nagsabing dito sila nagbabasa ng balita araw-araw. YouTube naman ang pangalawang pinakasikat na application para sa mga lumahok sa survey.

Kasabay ng mabilis at maraming impormasyong natatanggap natin sa social media ay ang pagsikat ng mga personalidad na nagsisilbing tulay ng mga ito. Sila ang mga tinaguriang “social media influencers” na ang bawat post ay tinatangkilik ng libu-libo, ang bawat video ay pinapanood ng kanilang mga followers, at ang anumang pinauuso nila ay ginagaya ng marami. Sinasabi ngang maaaring kumita ng hindi bababa sa tatlumpung libong piso sa bawat post ang isang sikat na influencer. Kaya naman, napakaraming naeengganyong magkaroon ng sariling Facebook page, YouTube channel, at iba pang social media account.

Gaya ng ipinahihiwatig sa tawag sa kanila, malawak ang naaabot ng mga influencers. Kaya dapat nilang maunawaang may kaakibat na responsabilidad ang paglalabas ng kanilang content sa social media. Bukod sa pagbibigay ng entertainment sa kanilang mga followers, subscribers, at viewers, nagiging daan din sila upang maipalaganap ang mga impormasyon at opinyong maaaring humubog sa isipan ng mga tao.

Kaya’t nakalulungkot na may ilang influencers na ginagamit ang kanilang tinatawag na platform upang magpalaganap ng kasinungalingan, intriga, at paninira. Mayroon ding nagiging instrumento upang pabanguhin ang pangalan ng mga taong lantarang umaabuso sa kanilang kapangyarihan o hindi kumikilala sa karapatang pantao. Nariyan din ang mga influencers na nagiging kasabwat ng mga tao at grupong nais pagtakpan ang mga mali sa kasaysayan para sa pulitikal na layunin. Ito ang tinatawag nating negative historical revisionism.

At ngayong buwan kung kailan natin ginugunita ang pagsasailalim sa Pilipinas sa batas militar ng diktador na si Ferdinand Marcos, nagkalat sa social media ang mga posts at video na ipinipinta ang panahong iyon bilang isang yugto sa ating kasaysayan na maunlad at tahimik ang bansa. Pilit nilang isinasantabi ang mga pang-aabuso at katiwalian sa pamahalaan, ang kahirapan at pagdurusa sa mga kanayunan, at ang malawakang pagpatay sa mga itinuturing na kalaban ng mga nasa poder. Sa pagtuon lamang sa mga positibong katangian ng yumaong diktador, nabubura na ang kawalang-katarungang ibununga ng kanyang mapang-abusong rehimen. Hindi ito tama. Hindi ito makatarungan.

Bagamat kinikilala ng Simbahan ang benepisyong hatid ng internet at social media, sinasamahan nito ito ng babala tungkol sa komunikasyong walang pagtitimbang at pagninilay para makarating sa tamang pagpapasya. Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang tamang layunin ng impormasyong pinalalaganap ng media (na akma rin sa social media) ay ang pag-aambag sa ikabubuti ng tao. Sa madaling salita, minumulat ba tayo ng mga ito sa tungkol sa ating dignidad? Ginagawa ba tayong mas makatao at mabuti sa ating kapwa?

Mga Kapanalig, kung hindi man natin maiimpluwensyahan ang mga influencers upang gamitin ang kanilang kasikatan sa responsableng paraan, tayo na mismo ang maging responsable sa pagpili ng mga tatangkilikin nating influencers. Kapag pipiliin natin ang mga influencers na nagpapahayag ng katotohanan, naisasabuhay natin ang nasasaad sa Efeso 4:25: “itakwil natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa’t isa, sapagkat tayo’y bahagi ng iisang katawan.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 7,376 total views

 7,376 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 15,361 total views

 15,361 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 22,897 total views

 22,897 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 38,883 total views

 38,883 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 46,927 total views

 46,927 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 7,377 total views

 7,377 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 15,362 total views

 15,362 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 22,898 total views

 22,898 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 38,884 total views

 38,884 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 46,928 total views

 46,928 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,638 total views

 45,638 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,063 total views

 44,063 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,849 total views

 45,849 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,774 total views

 42,774 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,088 total views

 57,088 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,778 total views

 60,778 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,381 total views

 59,381 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,368 total views

 69,368 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,336 total views

 73,336 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,223 total views

 84,223 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top