Ecowaste, nagbabala sa panganib na dulot ng magnet

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total views

Nagbabala ang EcoWaste Coalition sa publiko hinggil sa pagbili ng mga magnet na posibleng may halong kemikal na maaari namang magdulot ng panganib sa mga bata.

Ito ang paalala ng grupo bilang bahagi ng toy safety campaign ngayong papalapit na muli ang Pasko.

Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng grupo na bagamat itinuturing na educational tool tulad ng mga laruan, ang magnet ay mayroong kemikal na lubhang mapanganib sa kalusugan kapag nakain ng mga bata.

“Whether used for science experiments or for playing games, magnets, like any other products marketed for children’s use, must be safe from lead, which is toxic if ingested and can trigger negative health effects,” ayon kay Dizon.

Batay sa pagsusuri ng EcoWaste, ilang uri ng mga magnet ang mayroong lead paint na lumagpas sa regulatory limit na 90 parts per million (ppm).

“The yellow paint on the surface of the star-shaped magnet had 23,600 ppm of lead, while the red paint on the bar-, heart- and U-shaped magnets had 1,148 to 4,122 ppm. The pink paint on the arrow-shaped magnet contained 1,012 ppm of lead,” ayon sa pahayag.

Nakasaad sa Department of Environment and Natural Resources Administrative Order 2013-24 o Chemical Control Order for Lead and Lead Compounds na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng lead paint sa mga laruan at school supplies.

Matatandaan noong Pebrero nang kasalukuyang taon ay ipinabalik ng US Consumer Product Safety Commission ang nasa 13,000 units ng invention science kits na naglalaman ng lead painted magnets na lumabag sa federal lead paint ban.

Samantala, ayon naman sa katuruang panlipunan ng simbahan, bagamat sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang namumuhunan, kinakailangang ang negosyo nito ay hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan o sa buhay ng bawat tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 83,319 total views

 83,319 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 113,542 total views

 113,542 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 140,192 total views

 140,192 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 235,165 total views

 235,165 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 250,717 total views

 250,717 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top