Tapat at payapang halalan, panalangin ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,953 total views

Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang pananaig ng katapatan at kapayapaan sa nalalapit na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30.
Ayon kay Bishop Presto, maging batayan nawa ng mamamayan ang paghalal sa mga kandidatong mapagkakatiwalaan at tapat na gagampanan ang tungkuling paglingkuran ang kinasasakupan.

Iginiit ng obispo na hindi sukatan ang pagiging kamag-anak, kaibigan, kasikatan, at salapi sa pagpili ng kandidato, kun’di ang kakayahan nitong tuparin ang mga plataporma at pangako para sa ikabubuti ng pagsisilbihang pamayanan.

“Nawa ay mapili natin talaga ang maglilingkod hindi sapagkat sila’y ating kamag-anak, kaibigan, kun’di sila’y alam nating makapaglilingkod sa atin nang tapat para sa kapakanan ng ating mamamayan sa ating barangay. Sila ‘yung mga taong may malasakit, hindi lang sapagkat popular sila at may pera, kun’di sila ‘yung mga taong handang magmalasakit at maglingkod sa mga nasasakupan nilang kababayan natin.” pahayag ni Bishop Presto sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag naman ni Bishop Presto na maliban sa katapatan, dapat ding maging katangian ng mga kandidato ang pagkakaroon ng malasakit sa kalikasan lalo’t nahaharap ang daigdig sa climate crisis.

Sinabi ng obispo na kailangang higit na isulong sa mga pamayanan ang mga programang magpapaigting sa kaalaman at kasanayan ng mamamayan hinggil sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.

“Isa rin sa mga pwedeng makita natin ay ‘yung mga maglilingkod sa atin na may pagmamahal sa ating kalikasan. ‘Yung mag-i-implement nuong programa natin ng waste management at gayundin ng promotion upang maiwasan ang pag-init ng ating kapaligiran. Sila ‘yung mga taong may malasakit hindi lang sa kapwa kun’di sa ating kalikasan.” saad ni Bishop Presto.

Kaugnay naman sa nalalapit na paggunita sa mga banal sa unang araw ng Nobyembre, dalangin ni Bishop Presto na patnubayan nawa ng mga banal ang mga kandidato upang maging huwaran ng kababang-loob at katapatan sa paglilingkod sa kapwa.

“Hilingin natin ang panalangin ng mga banal sa langit upang sa ating gaganaping eleksyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan, tayo nawa’y maging mapayapa at ang ating bansa nawa’y malayo sa anumang darating na sakuna at anumang problemang mabibigat na ating haharapin,” dalangin ng obispo.
Naunang hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga BSKE candidates na maging responsable sa kanilang election materials.
Read:https://www.veritasph.net/bske-candidates-hinimok-na-maging-responsable/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,722 total views

 49,722 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,591 total views

 45,591 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,793 total views

 81,793 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,435 total views

 90,435 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,556 total views

 115,556 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top