TFDP, nagpahayag ng suporta sa imbestigasyon ng ICC laban kay Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 662 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa desisyon ng Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court (ICC) na pormal ng simulan ang imbestigasyon sa mga kaso ng crimes against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm – Chairperson of the Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ay ibinahagi ng Pari na maituturing na isang hakbang ang naturang imbestigasyon ng ICC upang maparusahan at mapanagot ang mga nasa likod ng karahasan at mga serye ng pagpasalang sa bansa.

Ayon kay Fr. Buenafe na siya ring Co-Executive Secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) ang desisyon ng Pre-Trial Chamber ng ICC ay maituturing na isang sinag ng pag-asa lalo na para sa mga naiwang kapamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi sa war on drugs ng pamahalaan.

“We welcome the Pre-Trial Chamber of the ICC’s decision to move forward with its investigation. Finally, a crack in the shield of impunity. There is a ray of hope for the victims and their families. Perpetrators beware. We will hound you till justice is done.” Ang bahagi ng mensahe ni Fr. Christian Buenafe, O.Carm sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ng Pari, sa kabila ng kadiliman at kalungkutan ay muli ng nasisilayan ng mga biktima at kanilang pamilya ang pag-asa upang makamit ang katarungan at mapanagot ang lahat ng mga nasa likod sa pagkamatay ng mahigit sa 30,000 indibidwal sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Una ng nagpahayag ng paghanga at pasasalamat si Fr. Buenafe kay former ICC Prosecutor Fatou Bensouda na nagsulong at humingi ng judicial authorization sa Pre-Trial Chamber ng ICC upang maimbestigahan ang war on drugs sa Pilipinas.

Muli namang tiniyak ng Task Force Detainees of the Philippines ang patuloy na pagsubaybay at pagbabantay sa imbestigasyon gayundin ang pananalangin upang tuluyan ng mawakasan ang karahasan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 62,249 total reads

 62,249 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 141,197 total reads

 141,197 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 174,642 total reads

 174,642 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,940 total reads

 209,940 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 433,961 total reads

 433,961 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top