Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

TFDP, suportado ang kampanya kontra droga subalit di ang pamamaraan

SHARE THE TRUTH

 308 total views

Nakikiisa ang Task Force Detainees of the Philippines sa kasalukuyang administrasyong Duterte sa pagsugpo sa laganap na bentahan at kalakalan ng illegal na droga sa bansa.

Gayunman, iginiit ni Sr. Cresencia Lucero, Chairperson of the Board ng TFDP na hindi katanggap-tanggap ang pamamaraan ng mga otoridad sa kung saan patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa gitna ng mga operasyon ng mga pulis laban sa mga pinaghihinalaang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Paliwanag ni Sr. Lucero, tahasang paglabag sa karapatan ng isang tao at proseso ng batas ang naturang paraan kung saan dapat ring bigyan ng pagkakataon ang mga nasasakdal na dumaan sa tama at legal na proseso ng paglilitis.

“Sinusuportahan naman natin yung fight against drug and criminality dun sa drug, pero yung the way it is done diba, the manner it is executed, eh mahigit limang daan na yung pinapatay. This is against basic fundamental invaluable right to life, maganda yung mga initiatives niya for peace, for the whole country maganda yun, sinusuportahan natin yun,” pahayag ni Sr. Lucero, sa panayam sa Radio Veritas.

Sa pinakahuling tala ng (PNP) Philippine National Police, mula lamang July 1 hanggang 21 ngayong taon ay tinatayang umaabot na sa 245 ang mga namamatay sa gitna ng operasyon ng mga pulis, higit 121, 000 ang kusang sumuko, higit 3,500 ang inaresto habang tinatayang 62,000 bahay ang pinasok sa ilalim na rin ng Oplan Tokhang.

Samantala, nasasaad sa Article III Bill of Rights, Section 1 ng Saligang Batas na hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari-arian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.

Sa social doctrine of the Church, maging ang mga hinihinalang kriminal ay may karapatang magbago na hindi dapat ipagkait ng lipunan at ng estado dahil posibleng maging biyaya din sila sa kanilang kapwa sakaling tuluyan silang magbagong buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,473 total views

 10,473 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,573 total views

 18,573 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,540 total views

 36,540 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,857 total views

 65,857 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,434 total views

 86,434 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,139 total views

 6,139 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top