Tiniyak ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC ang kahandaan sakaling pumutok ang bulkang Taal.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Ito ang inihayag ng LASAC matapos magdulot ng pangamba sa mga residente ng Batangas at Cavite ang pagkulog at pagkidlat na naganap kagabi na inaakalang muling nagligalig ang bulkang Taal.

Magugunitang noong ika-12 ng Enero nang nakaraang taon, nagsimulang maganap ang phreatic eruption mula sa bulkang Taal na nagdulot din ng pagkulog at pagkidlat katulad nang naganap kagabi.

Paglilinaw naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na ito’y hindi indikasyon ng muling pagputok ng bulkang Taal kundi isolated Thunderstorms lamang.

 

[smartslider3 slider=22]

 

Samantala, batay sa ulat ng ahensya, walang naitalang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 na oras.

Paliwanag ng PHIVOLCS, mayroong naganap na upwelling sa main crater ng bulkan na lumikha ng makapal na usok na may taas na isang kilometro, gayundin ang marahang pamamaga sa paligid ng bulkang Taal magmula nang ito’y sumabog noong Enero 2020.

Nangangahulugang ito’y indikasyon ng patuloy na pagliligalig ng magma sa di kalalimang bahagi ng bulkan.

Kasalukuyan pa ring nakataas sa alert level 2 ang bulkang Taal kaya patuloy na ipinapaalala ng PHIVOLCS ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa Taal Volcano Island o Permanent Danger Zone.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top