Espiritu Santo, buhay at pag-ibig ni Hesus sa sangkatauhan-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 664 total reads

Ang Banal na Espiritu na ipinadala upang magsilbing gabay ng bawat isa sa pagtahak sa landas patungo sa Panginoon ay bunga ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.

Ito ang binigyang diin ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa Roma kaugnay sa napakahalagang bunga ng ginawang pagpapakasakit, pagkamatay sa krus at muling pagkabuhay ni Hesus.

Ayon sa Cardinal, hindi matatawaran ang kahalagahan ng Espiritu Santo o ang Espiritu ng buhay at pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauahan upang malikha muli ang sanilikha at ang bawat isa bilang anak ng Diyos sa ngalan ni Hesus.

 

[smartslider3 slider=21]

 

“Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa napakalaking bunga ng kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay. Ito ay para maibigay sa atin ang Espiritu Santo o ang Espiritu ng Buhay at Pag-ibig mismo ng Diyos upang tayo ay malikha muli bilang mga anak ng Diyos sa ngalan ni Hesukristo at malikha muli ang sanilikha.” Ang bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Pagbabahagi ni Cardinal Tagle, mahalagang maging bukas ang puso at diwa ng bawat isa upang ganap na matanggap ang biyaya ng Espiritu Santo na may hatid ng katotohanan at higit na makapagpapaunawa sa mga salita at gawa ng Panginoon.

Paliwanag ng Cardinal, ang katotohanan hatid ng Espiritu Santo kaugnay kay Hesus at sa salita ng Diyos ay hindi lamang para sa mga walang pananampalataya kundi maging para sa mga Kristiyano na hindi ganap ang pananampalataya at paniniwala sa Panginoon.

“So let us open ourselves to the Holy Spirit of Truth who will give a testimony to the truth who was Jesus and we need this constantly, even believers, Christians there is always an unbeliever in us, there is always part of us that rejects Jesus, so we need a testimony of the Holy Spirit.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Binigyang diin naman ng Cardinal na hindi dapat matapos ang katotohanang hatid ng Espiritu Santo sa pagtanggap nito sa halip ay dapat ring maibahagi sa kapwa ang karanasan ng kabutuhan ng Panginoon upang higit pang maipalaganap ang mabuting balita para sa lahat.

“But after receiving the testimony of the Holy Spirit, we must testify to Jesus we should not be ashamed to testify about the truth of Jesus but that will happen only if we have experience Jesus, if we have received the testimony of the Holy Spirit.” Ayon kay Cardinal Tagle.

Samantala, bilang bahagi ng paggunita sa Laudato Si Week ngayong linggo ay hinikayat ni Cardinal Tagle ang bawat isa na hingin at ipanalangin ang paggabay ng Espiritu Santo upang higit na maging epektibong taga-pangalaga ng biyaya ng Panginoon ang sangkatauhan.

“It is Laudato Si Week, so we ask the Holy Spirit for the spirit of caring rather than of misuse of His gifts especially the gifts of creation.” Apela pa ni Cardinal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,325 total reads

 93,325 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,488 total reads

 170,488 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,936 total reads

 203,936 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,235 total reads

 239,235 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,129 total reads

 462,129 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top