Kaloob na biyaya ng Espiritu Santo ay hindi para sa pansariling interes, paalala ni Archbishop Palma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 761 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mananampalataya na ang mga kaloob ng Banal na Espiritu ay para sa buong pamayanan at hindi para sa personal na interes.

Ito ang pagninilay ng arsobispo sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes.

Paliwanag ni Archbishop Palma na ipinadala ng Diyos ang Banal na Espiritu upang magkaisa ang pamayanan at pagbuklurin ang sangkatauhan sa tulong ng mga kaloob nito.

“The Holy Spirit is the life of the Church – and the Spirit gives us various gifts. The Lord does not give a gift simply for the sake of the person, privately – but for the sake of the community. Mao kini [ito ang] ang papel sa Espiritu Santo, to gather as all as one family,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

 

[smartslider3 slider=22]

 

Hamon pa ni Archbishop Palma na higit ipakita ang diwa ng pagmamalasakit sa pamayanan at gamitin ang kaloob ng Espiritu Santo ngayong patuloy nanalasa sa lipunan ang coronavirus pandemic na lubha ang pinsalang idinulot sa bawat isa.

Sa monitoring ng Department of Health mahigit na sa isang milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nagdulot ito ng labis na kahirapan sa may sampung milyong pamilya sa bansa at pagkagutom sa halos limang milyong indibidwal.

Patuloy ang pagkilos ng simbahang katolika upang lingapin ang mahihirap na komunidad at matulungan ang nahihirapan upang maibsan ang dinaranas sa kasalukuyan.

Ang Linggo ng Pentekostes ay tinaguriang kaarawan ng simbahang katolika, ang ika – 50 araw mula sa Linggo ng Muling Pagkabuhay at ang pagbaba ng Banal na Espiritu sa mga apostol.

Batay sa kasulatan pito ang kaloob ng Banal na Espiritu ang Karunungan, Pagkaunawa, Kaalaman, Pagpapayo, Katatagan, Kabanalan at ang Pagkatakot sa Diyos.

Umaasa si Archbishop Palma na sa tulong at gabay ng Espiritu Santo ay mapanibago ang sambayanan at magbalik loob sa Panginoon at talikdan ang kasalanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,357 total reads

 93,357 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,520 total reads

 170,520 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,968 total reads

 203,968 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,267 total reads

 239,267 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,160 total reads

 462,160 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top