Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,388 total reads

Ang Mabuting Balita, 05 Disyembre 2023 – Lucas 10: 21-24

TIPUNIN TAYO

Nang oras ding iyon, si Jesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit ay lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kalooba’y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo. Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.”

Humarap si Jesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba: “Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan.”

————
Si Jesus ba ay napuspos ng galak sapagkat inihayag ng Ama ang kanyang sarili sa mga alagad na pinili niya, na mga simpleng tao lamang? Marahil. Ngunit higit pa rito, inihayag ng Ama ang sarili niya sa pamamagitan ng kanyang Anak. Si Jesus ang WALANG HANGGANG TAGAPAMAGITAN ng Ama sa sangkatauhan. Napakapalad natin kung dahil sa ating pananalig kay Jesus, kung dahil tayo ay tumitingala sa kanya at nakikinig sa kanyang Salita, nauunawaan natin kung sino at ano talaga ang Ama, at maging tunay na kumbinsido na nais ng ating Ama na muling TIPUNIN TAYO na kanyang mga anak sa kanyang mahal na piling. Sa Ebanghelyo ni Juan 3: 16, ito ay nasasaad: “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Salamat Jesus, na inihayag mo sa amin ang iyong Ama, at sa pamamagitan mo, matawag namin siyang aming Ama!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 80,738 total reads

 80,738 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 158,829 total reads

 158,829 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 192,277 total reads

 192,277 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,573 total reads

 227,573 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 450,899 total reads

 450,899 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MODERN-DAY PHARISEES

 7,186 total reads

 7,186 total reads Gospel Reading for October 16, 2026 – Luke 12: 1-7 MODERN-DAY PHARISEES At that time: So many people were crowding together that they

Read More »

TRULY UNDERSTAND

 4,481 total reads

 4,481 total reads Gospel Reading for October 15, 2026 – Luke 11: 47-54 TRULY UNDERSTAND The Lord said: “Woe to you who build the memorials of

Read More »

BLIND GUIDES

 13,104 total reads

 13,104 total reads Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46 BLIND GUIDES The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of

Read More »

WAKING UP

 7,867 total reads

 7,867 total reads Gospel Reading for October 13, 2026 – Luke 11: 37-41 WAKING UP After Jesus had spoken, a Pharisee invited him to dine at

Read More »
Scroll to Top