Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lipa SAC Director, itinalaga sa Social Action Network ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,943 total views

Nagpapasalamat si Fr. Jayson Siapco sa kanyang pagkakahalal bilang bagong kinatawan ng lahat ng social action center directors ng 86-diyosesis sa buong bansa.

Ayon kay Fr. Siapco, na siya ring kasalukuyang direktor ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission, Inc. (LASAC), ang kanyang panibagong tungkulin bilang Social Action Network (SAN) representative ay misyong ipinagkaloob ng Diyos upang maging tagapamagitan ng kapwa SAC directors sa social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Kaugnay ng pagkakahalal bilang kinatawan ng SAN, si Fr. Siapco ay bahagi na rin ng Board of Trustees ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace o mas kilala bilang Caritas Philippines.

“My role there is to represent the whole social action network. And these calls for understanding—anong sitwasyon ng bawat lugar, proper coordination sa iba’t ibang social action. Kumbaga ako ‘yung magiging tinig, mata, tainga, at kamay nila sa management ng Caritas Philippines,” pahayag ni Fr. Siapco sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Fr. Siapco sa kanyang pinalitang SAN representative na si Fr. Clifford Baira, na siya namang kasalukuyang SAC director ng Archdiocese of Cotabato.

Hinihiling naman ng pari sa mga kapwa direktor ang patuloy na pakikipagtulungan at maayos na ugnayan upang mapagtuunan ang mga pangangailangan ng bawat diyosesis sa iba’t ibang aspeto lalo na sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan.

“Maraming salamat sa tiwalang ibinigay ng mga kapwa direktor ko, mga pari at layko na direktor ng mga social action network ng buong Pilipinas. Salamat sa tiwala at ang aking hihilingin sa kanila ay constant communication sa akin at open communication para mas madala natin ‘yung mga concerns natin sa Caritas [Philippines],” ayon kay Fr. Siapco.

Si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang kasalukuyang pangulo ng Caritas Philippines at chairman ng CBCP-ECSA-JP, habang executive director at secretary naman si Fr. Antonio Labiao, Jr.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging instrumento ng katotohanan

 10,570 total views

 10,570 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 50,064 total views

 50,064 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 66,402 total views

 66,402 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 74,889 total views

 74,889 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Mangalinao, kinasuhan

 7,671 total views

 7,671 total views Kinasuhan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, kasama ang iba pang environmental advocates dahil sa mariing pagtutol sa isinasagawang exploration activities ng North

Read More »
Scroll to Top