Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tradisyon ng ‘Dungaw’ kay Maria, mananatili sa Traslacion

SHARE THE TRUTH

 784 total views

Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica de San Sebastian na pananatilihing buhay ang Dungaw na makatutulong sa pagpapalalim ng pananampalataya ng mamamayan.

Ayon kay Fr. Edgar Tubio, OAR, parish priest at rector ng Basilica na masidhing pananampalataya ang ipinamalas ng mga deboto sa taunang Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno at sa pagdungaw ng Mahal na Birheng Maria.

“Makatulong talaga ito sa ating pananampalataya dahil ito [Traslacion] ay expression ng ating pananalig sa Diyos,” pahayag ni Fr. Tubio sa Radio Veritas.

Ayon sa pari, ang tagpo sa Dungaw na sinaksihan ng mahigit dalawang milyong deboto ay nagpapatunay sa malalim ng debosyon para sa Diyos at sa Mahal na Ina.

Nilinaw naman ni Fr. Rommel Rubia, OAR na ang Dungaw ay hindi pagsasadula sa isang tagpo sa bibliya kung saan sinalubong ni Maria si Hesus na pasan ang krus patungong kalbaryo kundi ito ay isang kaugaliang namana sa mga Espanyol.

“Ito ay isang religious courtesy mula sa Spain at patuloy pa ring ginagawa sa ilang probinsya dito sa Pilipinas,” ani ni Fr. Rubia.

Paliwanag ng pari, inilalabas o idinudungaw ang mga imahe na hindi kabilang sa prusisyon sa tuwing dumadaan ang prusisyon ng imaheng nagdiriwang ng Kapistahan.

Ito ay bilang pagbibigay pugay sa mga imaheng ipinuprusisyon tulad ng nakagawiang Dungaw kung saan inilalabas ng Basilica ng San Sebastian ang imahe ng Mahal na Birhen ng Carmelo habang nakahinto ang andas ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ngayong taon malaki ang pagbabago sa naging Dungaw sapagkat nailapit ang andas ng Hesus Nazareno sa pinaglagakan ng Mahal na Birhen ng Carmelo at maaga itong naisagawa kumpara noong mga nakalipas na taon.

Umaasa ang mga Agustinong Pari na higit mapag-alab ng mananampalataya ang kanilang pananalig sa Panginoon sa tulong ng Traslacion at Dungaw kung saan higit na mapalalim ng tao ang pagsunod sa mga halimbawa ni Hesus at ng Mahal na Birhen na buong pusong tinanggap ang kalooban ng Diyos Ama.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,538 total views

 8,538 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,638 total views

 16,638 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,605 total views

 34,605 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,936 total views

 63,936 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,513 total views

 84,513 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,384 total views

 3,384 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 8,992 total views

 8,992 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,147 total views

 14,147 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top