Transportation sector, nakahandang makipagtulungan sa simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,928 total views

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) at Transport Reform Organization ng ALTMobility Philippines ang pagiging bukas para sa Simbahang Katolika upang higit na maisulong ang pagsasaayos ng transportation sector para sa mga Pilipino.

Ayon kay ALTMobility PH Director Patricia Mariano, ito ay dahil katulad ng kanilang isinusulong na dangal sa transportasyon ay nakaugat ang mga adbokasiya sa katuruan ng simbahan sa katarungang panlipunan upang mabigyan ng karangalan ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Sa pamamagitan nito, maaring magtulungan ang simbahang katolika sa Pilipinas at katulad nilang nagsusulong ng kapakanan ng mga Pilipino sa transportasyon upang malutasan na ang ibat-ibang suliranin na katulad ng mabigat na daloy ng trapiko at gayundin ang pagkalugi o kahirapang idinudulot ng mga suliranin sa transport sector.

“A lot of Catholic Church Teaching is also about social justice and for me transport is really an enabler when done well, when done poorly it holds us back, it perpuates a cycle of poverty, and so we would really appreciate the church’s help to amplify the messages that we’ve hear today, the importance of involving everyone, the importance of focusing on the most vulnerable road users when we plan our streets, the importance considering just transition when we say we want to modernize say public transportation, or really also the institutional frameworks that govern. we all have roles to play and I feel like the catholic church is also in a good position bring the people together,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Mariano.

Kinilala naman ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor ang pakikiisa ng iba’t-ibang sektor at iginiit na kinakailangan ang mga panalangin at paggabay ng simbahan para sa pamahalaan at sektor ng transportasyon.

Ito ay upang magkaroon ng gabay ang mga opisyal sa maayos na pamamahala sa sektor ng transportasyon.

“Una sa lahat, we need the prayers of everyone, we need the prayers of our supporters from the private sector especially sa Veritas, kailangan natin ng tulong sa lahat ngayon, dahil mabigat ngayon dahil mabigat yung pinagdadaanan sa gobyerno, kami naman ay gusto lang namin maroll-out ng mabilis, at sana tangkilikin din yung mga infrastracture na dine-develop natin partikular dito sa active transport, gusto natin mas marami sana mag-bisikleta, mas marami maglakad para bukod sa nagagamit na ito bilang another mode of transportation, mas malusog pa tayo,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Undersecretary Pastor.

Inihayag ng namayapang Pope Francis na tungkulin ng mga lider ng bansa na tiyaking nasa maayos ang kani-kanilang mga transporatation sector upang maisulong ang katarungang panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 110,301 total views

 110,301 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 132,411 total views

 132,411 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 206,451 total views

 206,451 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 201,927 total views

 201,927 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radio Veritas, kinilala ni Bishop Santos

 7,605 total views

 7,605 total views Nagsisilbi ang himpilan ng Radyo Veritas bilang ilaw para sa mga Pilipino at mananampalatayang nangangailangan ng katotohanan tuwing nakakaranas ng sakuna, pangamba at

Read More »
Scroll to Top