Bulakenyo, nanindigan laban sa talamak na katiwalian sa lalawigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,407 total reads

Nagkaisa ang mga Bulakenyo laban sa talamak na katiwalian kaugnay ng multi-billion-peso flood control projects sa lalawigan.

Sa isang kilos protesta mula sa makasaysayang Barasoain Church patungong Bulacan Capitol Forest Park, ipinanawagan ng mga simbahan, akademya, at iba’t ibang sektor ng lipunan ang pananagutan ng mga tiwaling opisyal na sangkot sa maanomalyang proyekto.

Ayon kay Kalookan Bishop Emeritus at Ecumenical Bishops Forum Member-at-Large Deogracias Iñiguez Jr., mahalagang magkaisa ang mamamayan lalo na’t sentro ng imbestigasyon ng Kongreso ang Bulacan.

“Ang taumbayan ang bumubuo ng lipunan at ng simbahan. Dapat gamitin natin ang pananampalataya at paninindigan upang labanan ang katiwalian at maling paggamit ng pondo ng bayan,” ani Bishop Iñiguez sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag naman ni Bulacan Ecumenical Forum President at rector ng Diocesan Shrine of San Isidro Labrador – Pulilan Msgr. Dario Cabral, hindi sapat ang pagdarasal at pagsisimba lamang sa gitna ng katiwalian.

“Panahon na upang lumabas sa mga lansangan at ipanawagan ang katarungan at pananagutan. Mas malakas ang sama samang tinig ng mamamayan laban sa kasalanan ng ilan,” pahayag ni Msgr. Cabral sa Radyo Veritas.

Dismayado ang pari sa sistemikong katiwalian kung saan tinaguriang “ground zero” ng korapsyon ang tahimik na lalawigan ng mga makata at bayani.

“Hindi sanay sa rally ang Bulakenyo, ngunit makabuluhan ang kanilang pagkakaisa ngayon laban sa katiwalian. Ito yung spirit of synodality, lahat tayo ay humakbang tungo sa katotohanan at katarungan sa pag-iral ngkabutihan at kalooban ng Diyos,” giit ng pari.

Kabilang sa mga panawagan ng mga nagprotesta ang pagtigil sa reklamasyon sa Manila Bay na nagpapalala ng pagbaha at sumisira sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Batay sa datos ng pamahalaan, mula sa mahigit kalahating trilyong pisong pondo para sa flood control projects sa buong bansa, ₱98 bilyon ang inilaan sa Central Luzon, at pinakamalaki rito ang ₱44 bilyon para sa Bulacan.

Ayon pa sa ulat ng DPWH, kabilang ang Bulacan sa sampung lalawigang may pinakamaraming flood control projects, na aabot sa 668.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng pamahalaan ang ilang dating opisyal ng DPWH First Engineering District ng Bulacan, kabilang sina Engineer Henry Alcantara at Assistant Engineer Brice Hernandez.

Naganap ang pagkilos noong Setyembre 19, dalawang araw bago ang inaabangang “Trillion Peso March” sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,948 total reads

 73,948 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,028 total reads

 109,028 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,328 total reads

 144,328 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,597 total reads

 370,597 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,958 total reads

 259,958 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top