Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Traslacion ng Poong Hesus Nazareno, sabay-sabay na ipagdiriwang sa iba’t ibang panig ng bansa

SHARE THE TRUTH

 582 total views

Bagama’t walang magaganap na prusisyon mula sa Luneta hanggang sa simbahan ng Quiapo mas malawak na pagdiriwang ang gaganapin sa malaking bahagi ng bansa para sa Traslacion ng Poong Hesus Nazareno ngayong taon.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, maraming mga parokya hindi lamang sa Maynila ang makikiisa sa sabayang pagdiriwang ng Traslacion upang maipabatid sa mananampalataya ang mensahe ng Poong Hesus Nazareno.

“Mula Batanes hanggang Mindanao simultaneous, sabay-sabay na magdiriwang ng kapistahan. Sa ibang mga lugar na pinayagan ng mga local government mayroong magaganap na prusisyon at pagmomotorcade,” ayon kay Fr. Badong sa programang Barangay Simbayanan.

Ang pahayag ni Fr. Badong ay kaugnay na rin sa ‘localized traslacion’ lalu’t nanatiling banta ang pandemya sa kaligtasan ng mga deboto.

“Mayroon tayong mga 14 replica na yearly nagta-Traslacion halimbawa Cagayan de Oro, Batanes, Catarman, Nueva Vizcaya, Iligan, Puerto Princesa at marami pa ‘yun January 9 nagkakaroon ng ng Traslacion. Ngayon mas pinarami pa kasi bawat probinsya, bawat Parokya ay nag-signify naman na sasabay sila sa January 9,” dagdag pa ng pari.



Tinatayang aabot sa 20 milyon ang mga deboto na dumadalo sa taunang traslacion sa simbahan ng Quaipo.

Ayon pa sa pari, ilang mga lalawigan pinayagan ng lokal na pamahalaan magsagawa ng motorcade sa araw ng kapistahan o sa Sabado ika-9 Enero.

Kasabay rin ng pagdiriwang ng pista, inanunsyo na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagsasara ng ilang kalye malapit sa Quiapo dahil sa inaasahan pa ring pagdalo sa misa ng mga deboto.

Ayon pa kay Fr. Badong, “So hindi makakalabas ng Quiapo pero mas maraming Nazareno ang lalabas ngayon para ihatid ang mensahe. Maganda ang tema ngayon e “Huwag matakot, si Hesus ito”. So ang Nazareno, yung mga images sa iba’t ibang lugar maghahatid ng mensahe para talagang bumangon tayo dito sa pandemyang ito.”

Ang Plaza Miranda, Carriedo, Villalobos at Hidalgo ay inilaan ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga magsisimba upang maipatupad ang physical distancing lalu’t limitado lamang ang maaring makapasok sa simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 71,161 total views

 71,161 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 103,156 total views

 103,156 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,948 total views

 147,948 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,915 total views

 170,915 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,313 total views

 186,313 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,834 total views

 9,834 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV: ‘War is never holy’

 38,176 total views

 38,176 total views Nanawagan si Pope Leo XIV para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa at relihiyon sa pandaigdigang pagtitipon ng Community of

Read More »
Scroll to Top