Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Manigong bagong taon mula sa PhilHealth

SHARE THE TRUTH

 322 total views

Mga Kapanalig, sasalubungin ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (o PhilHealth) ang bagong taon nang may mas malaking kontribusyong kailangang bayaran.

Alinsunod daw ito sa Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Care Law na nagmamandato ng pagtataas ng tinatawag na premium rate batay sa kinikita ng mga miyembro ng PhilHealth. Sa 2021, ang kontribusyon sa PhilHealth ay dapat katumbas ng tatlong porsyento ng ating kinikita o sinasahod sa isang buwan. Kung ang isang miyembro ay kumikita ng sampung libong piso pababa, ang premium na kanyang babayaran bawat buwan ay ₱350. Kung nasa pagitan ito ng ₱10,000 at ₱69,999, pinakamataas na ang monthly premium na ₱2,449. Nasa ₱2,450 kada buwan naman ang premium ng mga PhilHealth members na ang basic salary sa isang buwan ay mahigit ₱70,000.

Kinikilala naman daw ng PhilHealth na maraming kasapi nito ang naapektuhan ng pandemya at maaaring nawalan ng trabaho o hanapbuhay. Ngunit kailangan daw nilang sundin ang batas na layong alalayan ang 110 milyong Pilipino sa kanilang pagkakasakit o pagkakaospital. Kailangan daw dagdagan ang kontribusyon ng mga kasapi upang magkaroon ang PhilHealth ng sapat na pondo lalo pa’t halos maubos ito dahil sa pandemya.

Maraming kasapi ng PhilHealth ang umalma sa anunsyong nito, lalo pa’t hindi pa rin natutuldukan ang kontrobersya ng pagnanakaw umano ng ilang opisyal ng ahensya. Kung inyong matatandaan, may mga whistleblowers ang nagsabing aabot sa 15 bilyong piso ang ibinulsa ng mga tiwaling tauhan ng PhilHealth at mga kasabwat nilang clinics, ngunit hanggang ngayon, wala pa ring naparurusahan at napananagot. Ipinagmamalaki ni Pangulong Duterte na marami na siyang sinibak sa puwesto at mayroon pang nasa listahan ng mga paalisin, ngunit patuloy pa ring hinahanap ang bilyon-bilyong pisong iniambag ng mga kasapi ng PhilHealth at nawala sa katiwalian. Biro ng mga netizens tungkol sa pagtataas ng monthly premium contribution sa PhilHealth, mag-aambagan na naman ang mga miyembro para sa pondong ibubulsa ng mga kurakot.



Sa taas ng gastusin sa pagpapaospital, ang kasabihang “health is wealth” ay para bang naging “health is for the wealthy.” Dahil hindi naman lahat ng gastusin sa ospital ay sagot ng PhilHealth, may mga kababayan pa rin tayong nakaasa sa mga pribadong health insurance na malaking gastusin din. Ngayong hindi pa rin epektibong nakokontrol ng pamahalaan ang pagkalat ng COVID-19, talaga namang napakahirap magkasakit. Mahal pa rin ang pagpapagawa ng swab test at mas lalong magastos ang pananatili sa ospital. Kaya naman, marami sa ating mga kababayang may sakit ang tinitiis na lamang ang kanilang karamdaman, hindi na lang nagpapatingin sa doktor, at hindi na lang umiinom ng gamot. May ilang namamatay dahil hindi nadala sa ospital o dahil wala namang pambayad sa pagpapagamot.

Maganda ang layunin ng Universal Health Care Law dahil pagagaanin nito ang bigat ng pagpapaospital ng mga kababayan nating mahirap. Ngunit mahirap ding tanggaping ang pondong iniaambag ng mga kasapi ng PhilHealth ay hindi napupunta sa mga dapat na makinabang dito. Ito ang ikinakasama ng loob ng marami sa balitang pagtataas ng monthly premium ng ahensya.

Minsan nang sinabi ni Pope Francis na binubura ng katiwalian ang tiwala ng publiko at ang integridad ng mga institusyon sa ating lipinan. Sinisira nito ang ating dignidad at binabasag ang lahat ng mabubuti at magagandang adhikain. Kabalintunaang ang ahensyang katulad ng PhilHealth na dapat nagtitiyak sa kalusugan ng mamamayan ay nababalot ng katiwaliang inihalintulad ni Pope Francis sa kanser.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Mga Kawikaan 29:2: “Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.” Malinaw na hindi tayo nagsasaya sa nagpapatuloy na katiwalian sa pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 43,037 total views

 43,037 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,518 total views

 80,518 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,513 total views

 112,513 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,252 total views

 157,252 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,198 total views

 180,198 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,458 total views

 7,458 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 18,030 total views

 18,030 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Prayer Power

 43,039 total views

 43,038 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,520 total views

 80,519 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,515 total views

 112,514 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,254 total views

 157,253 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,200 total views

 180,199 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 189,739 total views

 189,739 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 136,535 total views

 136,535 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,959 total views

 146,959 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 157,598 total views

 157,598 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 94,137 total views

 94,137 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »
Scroll to Top