Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,095 total reads

Homiliya para sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, 8 Marso 2026, Juan 4:5-42

Ang ating Salmong Tugunan ang pinagkuhanan ko ng inspirasyon para sa homiliyang ito. “Puso ay huwag patigasin kapag inyong narinig ang kanyang tinig.”

Dahil daw sa gutom at uhaw na pinagdaanan nila sa disyerto, parang naging mistulang mga bato ang mga puso ng bayang Israel. Pati itong si Moises parang hindi na rin niya matiis ang kanilang mga reklamo sa kanya. Pero, kahit na nasubok din ang pasensya ng Diyos sa kanila, hindi pa rin niya sila sinukuan. Pinaakyat daw ng Panginoon sa Bundok ng Horeb si Moises at doon, inutusan siyang paluin ang isang bato, gamit ang kanyang tungkod na pampastol. At mula sa bato, dumaloy daw ang tubig na pumawi sa uhaw ng mga Israelita.

Sa ikalawang pagbasa, sabi ni San Pablo, “Ang pagibig ng Diyos ay dumaloy at bumuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santong kaloob sa atin.”

Magandang paglalarawan ito ng nangyari naman sa Babaeng Samaritana sa ating binasang ebanghelyo. Noong una, matigas din na parang bato ang kanyang puso. Maramot ang dating, ayaw magpainom. Ang punto niya:

“Ba’t ka makikiinom mula sa timba ko? Di ba Hudyo ka at Samaritana ako? Di ba marumi kami para sa inyo? At siguro, kung alam mo lang kung sino ako, baka tinakbuhan mo na ako kanina pa. Marumi, hindi lang ang timba ko, kundi ang aking mismong pagkatao. Pinagsawaan na ako ng limang lalaki at may kinakasama ako ngayon na hindi ko asawa.”

Kaya pala siya umiigib nang tanghaling tapat, sawa na siyang pinagpipiyestahan ng mga tismoso at intrigero. Pero kumbaga sa matigas na bato, para siyang hinampas ng tungkod ng pastol habang kausap si Hesus at siya’y natauhan. Itong taong nakikiinom sa kanya ang siyang biglang nag-alok sa kanya ng kakaibang klaseng inumin mula sa tubig na buhay. Parang naramdaman niya na kahit pinakasara-sara na niya ang puso niya, nababasa pa rin nitong taong ito na nasa harapan niya, pati ang kaloob-looban niya.

Para siyang batong hinampas at biglang dinaluyan ng tubig na buhay, tuloy iniwan ang dala niyang mga banga at bumalik sa bayan na may matinding pagkasabik na maipakilala sa kanyang mga kababayan sa Samaria itong natuklasan niyang sibol ng tubig na buhay na higit pa sa balon ni Jacob.

Sa bandang huli, parang bumaligtad ang sitwasyon: ang nauuhaw na nakikiinom ang siyang pumawi sa kanyang sariling pagkauhaw at nagpainom sa kanya. At ang tinanggap niyang tubig ay dumaloy mula sa kanya na parang bukal.

Ito ang pinaghahandaan natin sa kuwaresma—ang pagdaloy ng biyayang dulot ng pagdurusa, kamatayan at pagkabuhay ni Kristo. Kaya nga 3’O’clock prayer ng Divine Mercy, sinasabi natin, “Pumanaw ka Hesus, subalit ang bukal ng buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang karagatan ng awa ay bumugso para sa sanlibutan. O Bukal ng buhay, walang hanggang awa ng Diyos, yakapin mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang iyong sarili para sa aming lahat.”

Marami na akong nakitang mga taong—dahil sa masasakit at masasaklap na karanasan ay para bang nanigas na ang puso, sarado na ang kalooban. Ito ang pinagmumulan ng lahat ng hidwaan na nauuwi sa mga digmaan, katulad ng nagaganap sa kasalukuyan sa Middle East. Ganito ang nangyayari sa mga tao dahil sa pagkadala, sa mga naging biktima ng kalupitan at karahasan, na nawalan na ng tiwala sa likas na kabutihan ng kapwa. Minsan kailangan nilang maranasan ang hampas ng tungkod ng Diyos na Pastol upang mahimasmasan.

Sa mga nag-aakalang wala na silang pag-asa, na imposible na ang kaligtasan para sa kanila dahil sila ay makasalanan at walang hinihintay, parang matinding dagok nga naman ang larawan ng Diyos na nakapako sa krus. Hindi naniningil ng dugo kundi nagbubuhos ng sariling dugo. Hindi nanananakot ng parusang impyerno kundi nag-aalay ng sarili bilang pantubos. Siya lang ang makapagpapatigil sa mga armas ng galit at paghihiganti ng mga pusong pinatigas ng karahasan. Siya ang magbubukas sa pinto ng langit at magsasabing, tuloy ka, uminom ka mula sa sibol ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,860 total reads

 9,860 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 238,215 total reads

 238,215 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,681 total reads

 131,681 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,710 total reads

 225,710 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,559 total reads

 269,559 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 11,967 total reads

 11,967 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 17,614 total reads

 17,614 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 16,880 total reads

 16,880 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top