252 total views
Nakikiisa at kinikilala ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER ang mga kababaihan lalu na ang kababaihang manggagawa.
Inihayag ni Rochelle Porras – EILER Executive Director sa pagdiriwang sa buwan ng Marso bilang International Women’s Month at Women’s Day.
Ayon kay Poras, sa tulong ng mga kababaihang mangggawa ay higit na napapaunlad ang ekonomiya at at namamayani ang kapayapaan.Sa araw ng mga kababaihan, nanawagan ang EILER sa pamahalaan na protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga babaeng manggagawa sa ibayong dagat at sa bansa.
Hinimok ng EILER ang pamahalaan na agarang ipatupad ang nararapat na living wages, alisin ang VAT sa mga pangunahing bilihin at serbisyo publiko at patatagin ang pagbibigay proteksyon laban sa labor export policies at gender based-violence
“On International Working Women’s Day, EILER reaffirms the enduring lesson of the 1917 women workers’ strike and the continuing struggle for just and lasting peace, and economic and gender justice. We call on the Philippine government to uphold and protect the rights and welfare of Filipina workers at home and abroad, urgently implement living wages, scrap the Value-Added Tax (VAT) on essential goods and services, recognize care work as a public good, and strengthen protections against labor export policies and gender-based violence,” ayon sa mensaheng pinadala ni Porras sa Radyo Veritas.
Tinukoy din ng EILER ang mababang porsiyento ng mga kababaihan sa labor force kumpara sa mga kalalakihan.
“Wage gap persists in certain work categories like digital jobs [2] and agriculture. Worse, there are more women (11.6%) who are subjected to unpaid family work than men (5.3%), per the 2023 Labor Force Survey. On the other hand, women continue to have a far lower participation rate in the labor force (LFPR) than men. According to the December 2025 Labor Force Survey, women’s LFPR is at 53.5% while 75.2% for men – a staggering 21% difference,” ayon pa sa mensaheng pinadala ng EILER sa Radyo Veritas.






