Tulungan ang mga apektado ng magnitude 6.1 na lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,925 total reads

Ito ang panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kapwa Pari matapos ang malakas na magnitude 6.1 na lindol na yumanig sa rehiyon ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang mga Pari na tingnan kung may mga naapektuhan residente at inilikas sa mga komunidad na nangangailangan ng kagyat na tulong.

“Please see if some people in your area were hurt or displaced, so they could be attended to.” mensahe ni Cardinal Tagle na ipinadala sa Radio Veritas

Nananawagan din si Cardinal Tagle sa mga Rector ng Simbahan at pamunuan ng mga paaralan na suriin ang kanilang mga gusali at tiyakin ang kaligtasan ng mga kawani at mga mag-aaral.

“Please check also the parish church, rectory, pastoral halls and schools for possible cracks or damage, so appropriate action could be taken.” mensahe ni Cardinal Tagle

Ipinagdarasal din ni Cardinal Tagle ang kaligtasan ng lahat.

The procedures taught at earthquake drills should be reviewed with the community. We pray for the safety of all,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Cardinal Tagle.
Hinihiling din ni Cardinal Tagle ang muling pagsasanay o ‘earthquake drill’ sakaling muling magkaroon ng pagyanig.

Sa Archdiocese of Manila ay may higit 86 na parokya, at nakakasako sa 38 primary at secondary catholic schools.

Base sa Damay Kapanalig update, higit na naapektuhan ang lalawigan ng Pampanga kung saan dalawang lumang simbahan ang nasira – ang 17th at 19th century church ng St. Augustine sa Lubao at Santa Catalina de Alexandria sa Porac.

Nabatid sa nakalap na ulat ng Damay Kapanalig mula sa Social Action Center ng Archdiocese of San Fernando Pampanga na nagkaroon ng crack o lamat sa anim na Simbahan,cathedral at shrine sa Angeles,Sta.Rita, Guagua at Betis sa Pampanga.

From San Fernando Pampanga SAC

We’re safe. 2 churches, Lubao and Porac suffered major damages. 6 churches, cathedral at Angeles, Apu Shrine, Sta. Rita, Guagua and Betis, reported to have cracks in the buildings. Chuzon supermarket in Porac collapsed trapping some people. LGUs are doing their work naman.Thank you”.

Iniulat naman ni Father Tony Bernaldo, ang DRRM Priest-in-Charge ng Diocese of Balanga Bataan na natuklap ang flooring ng St.Peter of Verona Parish church sa Hermosa Bataan.

Inihayag ni Father Bernaldo sa Damay Kapanalig ng Radio Veritas na nagkaroon din ng crack sa gusali ng kanyang Parokya na Shrine of the Divine Mercy sa Balanga, Bataan.

Father Tony Bernaldo

“Totoong malakas at inabutan ako sa simbahan bago magmisa. So far ang nabalitaan ko ay sa simbahan ng Hermosa na nahulog ang Patron na si San Pedro Verona mula sa retablo pero di naman nasira kaya lang ang flooring ng simbahan ay natuklap. Doon sa Divine Mercy ang parish ko ay nagkaroon ng crack ang wall na sacristy.” mensahe ni Father Bernaldo sa Damay Kapanalig.

May sampu katao na rin ang bilang ng nasawi dahil sa pagguho ng mga pader at isang mall sa Pampanga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 27,056 total reads

 27,056 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 65,290 total reads

 65,290 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 100,590 total reads

 100,590 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 326,859 total reads

 326,859 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 218,566 total reads

 218,566 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 293,093 total reads

 293,093 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 405,858 total reads

 405,858 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top