Tunay na kalinga, dasal ng mga guro mula sa DepEd

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 420 total views

Isinusulong sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika na kasabay ng pagpapatatag sa sistema ng edukasyon sa bansa ay ang pagkalinga sa kapakanan ng mga guro na nagsisilbing pangalawang magulang na walang sawang nagbabahagi ng mga kaalaman at humuhubog sa pagkatao ng mga kabataan na kinabukasan ng bansa.

Ang mala-inang pagkalinga mula sa kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon ang inaasam ng Teachers Dignity Coalition.

Ayon kay TDC National Chairperson Benjo Basas, bilang pinuno ng kagawaran ay umaasa ang mga guro sa buong bansa ng suporta, pag-unawa at pagkalinga mula kay DepEd Secretary Leonor Briones.

Sinabi ni Basas na dismayado ang mga guro sa kawalan ng malasakit at suporta ni Briones sa kanilang apelang umento sa sahod na unang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Bilang aming ina sa Kagawaran, inaasahan sana namin ang lubos na pagkalinga, pang-unawa at suporta mula kay Sec. Liling Briones. Subalit sa mga nakalipas niyang pahayag ay hindi kami makaramdam ng malasakit at suporta at tila siya pa ang nakakapigil upang maibigay ang matagal na naming hinihinging umento sa sahod na ipinangako rin naman ng pangulong Duterte.” pahayag ni Basas Nilinaw rin ni Basas na handang makipagdayalogo ang hanay ng mga guro sa pamunuan ng kagawaran at maging kay Pangulong Duterte upang maihayag ang kanilang mga hinaing, apela at pangangailangan.

“Nakahanda kaming maupo sa isang dayalogo sa kanya o sa Pangulo mismo upang ilinaw ang mga usaping ito. But we ask her to refrain from making statements that in one way or another would insult and hurt our teachers. As her subordinates, we expect a motherly compassion.” Dagdag pa ni Basas.

Nilinaw ni Basas na matagal ng mahaba ang “pisi” at nagtitiis ang mga guro.

Sa tala ng Philippine Basic Education, may halos isang milyon ang kabuuang bilang ng mga pampublikong guro na nagtuturo sa elementarya at sekondarya sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 226,408 total views

 226,408 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 256,631 total views

 256,631 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 283,275 total views

 283,275 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 378,248 total views

 378,248 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 384,659 total views

 384,659 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top