Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,351 total reads

Ang Mabuting Balita, 11 Disyembre 2023 – Lucas 5: 17-26

TUNAY NA NAKAKAKITA

Minsan nang nagtuturo si Jesus, naroon din ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na mula sa mga bayan ng Galilea at Judea, at sa Jerusalem. At sumasakanya ang kapangyarihan ng Panginoon upang magpagaling ng mga maysakit. May dumating na ilang tao, dala ang isang paralitikong nasa higaan. Nagpipilit silang makapasok sa bahay upang mailagay sa harapan ni Jesus ang maysakit, subalit wala silang maraanan dahil sa dami ng tao. Kaya’t umakyat sila sa bubungan at binutas iyon, saka inihugos sa harapan ni Jesus ang paralitikong nasa higaan. Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Kaibigan, pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.”

Sa loob-loob ng mga eskriba’t Pariseo: “Sino itong nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos? Hindi ba’t Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?” Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinagot niya sila, “Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko ‘Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan’ o ang sabihing ‘Tumindig ka at lumakad’? Patutunayan ko sa inyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko, “Iniuutos ko: tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi ka!”

Pagdaka’y tumindig ang tao sa harapan ng lahat, binuhat ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos. Nanggilalas sila at tigib ng takot na nagpuri sa Diyos. “Nakakita kami ngayon ng mga kahanga-hangang bagay!” wika nila.

————

Lubhang makapangyarihan at makabagbag-damdamin ang eksenang ito: ang paralitiko na nasa higaan ay ibinababa mula sa bubungan upang tiyakin na siya ay mapupunta sa harapan ni Jesus sapagkat nais ng mga nagsumikap na iakyat siya at ibaba na siya ay tiyak na mapagaling; at pagkatapos, sinabihan ni Jesus ang maysakit na tumayo, buhatin ang kanyang higaan at maglakad, at ito’y ginawa niya na parang hindi siya nanggaling sa sakit. Ngunit, gaano mang makapangyarihan at makabagbag-damdamin ang eksena, hindi ito napansin ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan sapagkat noong narinig nilang unang sinabi ni Jesus, “Kaibigan, pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan,” nag-isip na sila na ang Diyos lamang ang maaaring magpatawad, kaya’t walang karapatan si Jesus magsalita ng ganito.

Kung minsan, katulad natin ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Hindi tayo nakakakita ng mga himala sapagkat masyado tayong nakatuon sa mga legalidad. Nakakaawang buhay ang hindi makakita ng maganda at mga himala sa ating kapaligiran, lalo na ang mga biyaya na tinatanggap natin sa Diyos araw araw sapagkat kailangang mapatunayan muna na mayroong ngang Diyos. Nakakaawa kung mayroon tayong mga mata ngunit hindi nakakakita! Napakapalad natin kung tayo ay TUNAY NA NAKAKAKITA!

Salamat, Panginoon, sa pagtulong mo sa amin na makita ka!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 53,505 total reads

 53,505 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 87,024 total reads

 87,024 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 188,850 total reads

 188,850 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 229,407 total reads

 229,407 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 247,761 total reads

 247,761 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

GREAT BLESSING

 6,644 total reads

 6,644 total reads Gospel Reading for October 03, 2026 – Luke 10: 17-24 GREAT BLESSING The seventy-two disciples returned rejoicing and said to Jesus, “Lord, even

Read More »

GREAT TRUST

 11,346 total reads

 11,346 total reads Gospel Reading for October 02, 2026 – Matthew 18: 1-5, 10 GREAT TRUST The disciples approached Jesus and said, “Who is the greatest

Read More »

FAMILY UPBRINGING

 4,665 total reads

 4,665 total reads Gospel Reading for October 01, 2026 – Luke 10: 1-12 FAMILY UPBRINGING Jesus appointed seventy-two other disciples whom he sent ahead of him

Read More »

NOT ALL CROSS AND SUFFERING

 4,248 total reads

 4,248 total reads Gospel Reading for September 30, 2026 – Luke 9: 57-62 NOT ALL CROSS AND SUFFERING As Jesus and his disciples were proceeding on

Read More »
Scroll to Top