Pangunahing apektado ng digmaan sa pagitan ng Israel at Palestine ang sektor ng turismo.
Ito ang hinayag ni RCBC Chief Economist – Michael Ricafort sa programang Baranggay Simbayanan sa himpilan ng Radio Veritas.
Ayon kay Ricafort, dahil sa digmaan natigil ang pilgrimage activities sa Holy Land at pagkaantala ng trabaho ng mga Overseas Filipino Worker at Filipino migrants gayundin ang pagsasara ng mga trabaho sa mga lugar na apektado ng labanan.
Apektado na rin ang mga scholars o estudyante na nag-aaral lalu na ng agriculture sa naturang bansa.
“Pero siyempre kahit papano, pagka-apektado yung mga negosyo doon, yung mga hanap-buhay doon ng ating mga kababayan lalo na yung mga apektado po na kung magkakaroon po eventually po ng repatriation siempre apektado rin po yung mga pamilya although bibigyan rin po ng assistance,” ayon sa panayam kay Ricafort sa programa.
Paalala ni Ricafort sa mga nakaranas ng cancelled flight na habaan pasensya at pananalangin para sa ikabubuti at pagtigil ng digmaan.
“Marami pong na-cancel na flight kumbaga yung mga priority na flights ay yung mga iuuwi po muna yung mga repatriations so pati maantala rin po yung ultimo yung mga gustong magtrabaho doon ay made-delay, pati nga po yung mga nagte-train doon sa agricultural sector ay napauwi rin po,” ayon sa pa sa panayam kay Ricafort.
Unang hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga Pilipino na ipinananalangin ang paghupa sigalot at pagkakaroon ng pagkakaunawaan sa panig ng Israel at Hamas sa Gaza.
Sa pinakahuling tala, umaabot na sa higit limang libo ang nasasawi sa parehong panig ng Israel at Palestine simula ng sumiklab ang digmaan noong October 07.