Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 13,231 total views

Mga Kapanalig, sa inilabas ng Malacañang na listahan ng mga regular holidays at special non-working days sa 2024, kapansin-pansing wala na ang paggunita sa EDSA People Power Revolution tuwing Pebrero. Paliwanag ng palasyo, pumatak daw kasi ang okasyon sa araw ng Linggo kaya “minimum” lamang ang “socioeconomic impact” nito kung gagawin pang holiday. Hindi ito kinagat ng ilan. Bakit daw ang Kapistahan ng Immaculada Concepcion na pumatak din sa araw ng Linggo ay nasa listahan ng holidays?

Hindi na nakagugulat ang ginawang ito ng administrasyon. Una sa lahat, ang nakaupong presidente ay anak ng diktador na pinatalsik ng taumbayan matapos ang maraming araw ng mapayapang pag-aaklas. Paalala ang EDSA People Power na ang taumbayan ang dapat na pinaglilingkuran ng mga nasa poder. Isa itong mahalagang yugto sa ating kasaysayan kung saan ipinakita nating hindi tayo sunud-sunuran lamang sa isang tao o sa isang pamilya. Ang mga araw na iyon ang nagpatunay na pinahahalagahan natin ang kalayaan, karapatang pantao, at demokrasya. Nagawa ng maraming Pilipino—mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay—na magsama-sama at magsimula ng pagbabago nang walang dugong dumanak. Sa rebolusyong ito, sinabi ng mga Pilipino sa mga Marcos at kanilang mga kasama sa pag-abuso sa kapangyarihan: “Tama na! Sobra na!”

Sa totoo lang, matagal na ang mga ginagawang pagbubura sa EDSA People Power mula alaala ng mga Pilipino. Mula nang payagang bumalik sa bansa ang pamilya ng diktador noong dekada ’90, sinamantala nila ang mga pagkakataong makatutulong sa kanilang makabalik sa poder. Ginamit nila ang kanilang kayamanan at impluwensya upang muli silang makatuntong sa gobyerno. Nitong nakaraang dekada, naging instrumento nila ang bagong teknolohiya upang magpakalat ng maling impormasyong magpapalimot sa maraming kababayan natin sa mga pang-aabusong naganap noong rehimeng Marcos. Ngayon ngang hawak na ng pamilya ang pinakamataas na posisyon sa ating pamahalaan, hindi na tayo magtataka kung gagawin nila ang lahat upang mas marami ang mapaniwalang hindi sila dapat papanagutin sa mga paglabag sa karapatang pantao noon at wala silang kailangang isauli sa perang winaldas nila para sa kanilang kapritso.

Hindi lamang sa pag-aalis ng EDSA People Power Anniversary sa listahan ng mga holiday ginagawa ang pagpapabango sa pangalan ng pinatalsik na diktador. Noong Setyembre lamang, iniutos ng Department of Education na gamitin ang salitang “diktadura” sa halip na “diktadurang Marcos” sa subject na Araling Panlipunan ng Grade 6.  Ang Commission on Higher Education naman, sumang-ayon sa sinabi ng nag-sponsor ng budget nito sa Kamara na hindi raw nito dapat idikta sa mga estudyante na sang-ayunan ang naratibo tungkol sa martial law na naglagay sa nakatatandang Marcos sa posisyon sa napakahabang panahon. Hindi naman na raw interesado ang kabataan ngayon na pag-aralan ang madilim na yugtong ito sa ating kasaysayan. Ilan lamang ang mga hakbang na ito upang lubusang mabura sa ating gunita ang EDSA.

Ang Simbahang Katoliko sa Pilipinas ay isa sa mga naging instrumento ng mapayapang rebolusyong tumapos sa marahas at tiwaling rehimeng kumontrol sa ating bansa sa loob nang mahigit dalawang dekada. Kaya naman ipinaalala sa atin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP), nang gunitain natin ang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution noong isang taon, na lubhang mapanganib ang ginagawang pagbubura sa kasaysayan. Nilalason ng mga kasinungalingan at mga tinatawag na “false narratives” ang ating alaala bilang isang bayan. Sinisira ng mga ito ang pundasyon ng mga institusyong dapat na itinataguyod ang tama at itinutuwid ang mali.

Mga Kapanalig, sa harap ng patuloy na pagtatago ng katotohanan at pagkakalat ng kasinungalingan, huwag tayong makalilimot. Never forget. Lagi nating piliin at ipagtanggol ang katotohanang magpapalaya sa atin, wika nga sa Juan 8:32.

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Dugo sa kamay ng mga pulis

 858 total views

 858 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,551 total views

 9,551 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 24,319 total views

 24,319 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 31,442 total views

 31,442 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 38,645 total views

 38,645 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 859 total views

 859 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,552 total views

 9,552 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 24,320 total views

 24,320 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 31,443 total views

 31,443 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 38,646 total views

 38,646 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 43,684 total views

 43,684 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 43,385 total views

 43,385 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 35,719 total views

 35,719 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 75,299 total views

 75,299 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 82,853 total views

 82,853 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 78,736 total views

 78,736 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 90,283 total views

 90,283 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 94,390 total views

 94,390 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 71,287 total views

 71,287 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 71,255 total views

 71,255 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top