Ipanalangin ang mga misyonero, panawagan ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,469 total reads

Hiniling ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa lahat ng mga misyonerong naglilingkod sa iba’t ibang dako ng daigdig.

Ito ang mensahe ng obisppo sa World Mission Sunday kung saan binigyang diin ang mahalagang tungkulin bilang binyagang kristiyano na makibahagi sa gawaing pagmimisyon ni Kristo.

“May mga taong itinalaga ang kanilang sarili sa pagmimisyon, suportahan natin sila, ipanalanginat at tulungan sa material at pinansyal na pangangailangan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Batid ng opisyal ang hirap na dinaranas ng mga misyonero lalo na sa mga bansang nakararanas ng labis na kahirapan, kagutuman, digmaan kung saan lantad sa iba’t ibang uri ng panganib maihatid lamang ang mabuting balita ng Panginoon.

Tema ng World Mission Day 2023 ang “Hearts on fire, feet on the move” na ayon kay Pope Francis hango sa paglalakbay ng mga disipulo patungong Emmaus kung saan nakasalamuha si Hesus na nagpapaigting sa kanilang damdaming ipalaganap ang mabuting balita sa mga pamayanan.

Tinuran ni Bishop Pabillo na ang araw na itinalaga para sa mga misyonero ay paalala na bawat isa ay may tungkuling magmisyon sa mga komunidad na kinabibilangan.

“Ang World Mission Sunday pumupukaw muli sa ating commitment na maging misyonero,” ani Bishop Pabillo.
Hamon ng obispo sa mga misyonero na ipalaganap sa buong daigdig ang pag-ibig ni Hesus upang manaig ang pagbubuklod ng mamamayan na maging daan sa pagkakamit ng kapayapaan.

Inalala rin ni Bishop Pabillo ang mga misyonerong nakatalaga sa Gitnang Silangan lalo na sa mga bansang may digmaan tulad ng Israel at Gaza.

Una nang kinilala ng Santo Papa Francisco ang mga migranteng Pilipino bilang ‘smugglers of faith’ dahil sa kanilang pagmimisyon sa mga komunidad ng bawat bansang pinagtatrabahuan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 1,475 total reads

 1,475 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 10,174 total reads

 10,174 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 51,491 total reads

 51,491 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 85,618 total reads

 85,618 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 142,024 total reads

 142,024 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top