Tutukan ang kapakanan ng mga nasalanta ng bagyong Paeng, panawagan ng MOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 794 total reads

Nanawagan ang Military Ordinariate of the Philippines sa lahat ng puwersa ng pamahalaan na nagsisilbing first responders tuwing may kalamidad at sakuna sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga nasalanta ng bagyong Paeng.

Ayon kay Military Diocese Bishop Oscar Jaime Florencio, bahagi ng responsibiidad at mandato ng puwersa ng pamahalaan ang pagtiyak sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan maging sa oras ng kalamidad at sakuna.

Tiniyak ng Obispo sa mga first responder na laging nakaagapay ang panginoon sa kapakanan ng bawat isa.

“Palagi kong sinasabi sa kanila, first and foremost we have the responsibility for our people lalong lalo na in terms of calamities. We always have to think of the common welfare yung mga tao na nasalanta at huwag nating pababayaan. We always have that courage na ang ating Panginoon ay gumagabay din sa kanila.”pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Nanawagan naman ang Obispo sa bawat mamamayan na sumunod sa mga abiso at babala ng mga otoridad at ng lokal na pamahalaan para maihanda ang bawat isa sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Tinukoy ng Obispo na dapat paghandaan ng mamamayan ang pagtukoy sa mga evacuation at kung sino ang dapat na lapitan sa gitna ng pananalasa ng bagyo.

Ipinaalala din ni Bishop Florencio ang kahalagahan ng pananalangin upang upang ipag-adya ng Panginoon ang bawat isa mula sa pinsala ng bagyong Paeng.

“We have to be prepared lagi and on top of all this magdasal tayo at huwag nating pabayaan, let us not leave everything to chance. There’s nothing na magagawa natin, hindi tayo makakaiwas dito dahil itong lugar po natin ay maraming palaging dinaraanan ng calamities. But we can always prepare so that ma-mitigate natin ang mga impact nito.” Ayon pa kay Bishop Florencio.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 55,389 total reads

 55,389 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 91,830 total reads

 91,830 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 127,129 total reads

 127,129 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 353,399 total reads

 353,399 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 243,689 total reads

 243,689 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top