Tanggapan ng Caritas Virac, nasunog sa kasagsagan ng bagyong Paeng

SHARE THE TRUTH

 637 total views

Nasunog ang opisina ng Caritas Virac sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Ayon kay Diocese of Virac, Catanduanes Social Action director Fr. Atoy dela Rosa, naganap ang sunog alas-9:40 ng gabi kung saan natupok ang buong opisina ng Caritas Virac.

Ibinahagi ng pari sa Radio Veritas na walang natirang anumang gamit kabilang na ang mga dokumento, computer sets, at maging ang sasakyang ginagamit sa paghahatid ng mga tulong.

Tinitingnan naman ni Fr. Dela Rosa na pagnanakaw ang sanhi ng sunog na isinagawa sa kasagsagan ng malakas na pag-uulan.

“Kasi ‘yung style ng pagnanakaw nila, kasi ilang beses na ‘yang pinasok ang Caritas office, dumadaan sa kisame… Siguro wala silang makuha, syempre ang option nila ay sunugin na lang,” ayon kay Fr. dela Rosa sa panayam ng Radio Veritas.

Naapula ang sunog kaninang madaling araw at sa kabutihang palad ay wala namang naitalang nasaktang kawani ng Caritas Virac.

Samantala, bagamat apektado ng insidente, tiniyak pa rin ni Fr. dela Rosa ang patuloy na pag-antabay ng social arm ng Diocese of Virac sa mga ulat kaugnay sa naging epekto ng bagyong Paeng sa Catanduanes.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 22,281 total views

 22,281 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 39,694 total views

 39,694 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 54,338 total views

 54,338 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 68,143 total views

 68,143 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 81,147 total views

 81,147 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Scroll to Top