UP-PGH Chaplaincy, dismayado sa kakulangan ng pondo para sa 2024″

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,967 total reads

Dismayado ang Head Chaplain ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Chaplaincy sa posibilidad na walang matatanggap na alokasyon ang pagamutan para sa susunod na taon.

Ayon kay PGH head chaplain, Fr. Lito Ocon, SJ, malaking pasanin ang kakaharapin ng institusyon sakaling tuluyang hindi mabigyan ng pondong kinakailangan para sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan.

Ang pahayag ng pari ay kaugnay sa 2024 budget hearing ng kongreso kung saan kabilang sa tinatalakay ang pinagtatalunang P125-milyong Confidential at Intelligence Fund (CIF) ng Office of the Vice President (OVP).

“It was easy for them to transfer P125-million to the OVP for CIF but so difficult to request even a fraction of their CF for hospital equipments,” pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng pari na ang malaki at kontrobersyal na pondong hinihiling ng tanggapan ng ikalawang pangulo ng bansa ay nakakaapekto sa ibang ahensya, institusyon, at tanggapang higit na nangangailangan ng pondo para sa basic social services.

Bagamat mayroong mga natatanggap na tulong at donasyon mula sa iba’t ibang indibidwal at grupo, iginiit ni Fr. Ocon na kailangan pa rin ng PGH ang suporta ng pamahalaan upang maipagpatuloy ang maayos na serbisyo lalo na sa mga mahihirap na pasyente.

“Ilang milyon lang naman sana ang kailangan ng PGH. Kung ginawa nila ‘yang pag-transfer ng funds to PGH or to any government hospitals, I don’t think may mag- complain… Nakakalungkot, nakakagalit, nakakainis pakinggan ang budget hearing kung paano sila gumagastos, at plano pang humingi ng malaking budget,” ayon kay Fr. Ocon.
Nagsimulang bumaba ang inilalaang pondo sa PGH noong 2020 nang lumaganap ang coronavirus pandemic sa bansa.

Sa General Appropriations Act of 2021, natanggap ng institusyon ang P6.9-bilyong pondo, P6.3-bilyon noong 2022, habang P5.9-bilyon naman ngayong taon.

Magugunita noong kasagsagan ng pandemya ay nanguna ang UP-PGH sa pagtanggap sa mga COVID-19 patients, habang nagpapatuloy naman ang chaplaincy sa aktibong pagtulong at pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap na pasyente.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,563 total reads

 11,563 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 67,600 total reads

 67,600 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,966 total reads

 152,966 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 199,702 total reads

 199,702 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 247,574 total reads

 247,574 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 348,189 total reads

 348,189 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,355 total reads

 170,355 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top