1,574 total views
Tutulungan ng United States of America Coast Guard ang Pilipinas sa isinagawang clean-up operation ng oil spill sa Mindoro.
Ito ang tiniyak ni Department of National Defense Acting Secretary Carlito Galvez kay Pangulong Ferdinand Marcos sa pagdating noong March 26 at 27 ng mga U.S owned C-17 at C-5 Planes na lulan ang mga kagamitan at hanay na mula sa U.S Coastguard na tutulong sa clean-up operations.
“We will immediately employ these assets and integrate in our response operations. In addition, we continue to closely monitor the ROV’s (remotely-operated vehicle) operations for significant updates and to further determine the extent of the oil spill.” bahagi ng mensahe ni Galvez.
Bukod sa naunang tulong ay isinasagawa narin ang US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) ang mga rapid assesment at pagpapadala ng mga satellite imagery upang matiyak kung hanggang saan ang lawak ng pinsalang idinulot ng insidente.
Kasabay ito ng katiyakan ng patuloy na pagtulong sa mga mamamayang naapektuhan ang kabuhayan ng oil spill.
“Our response efforts, particularly the actions of the various government agencies, are present and very effective with the collaboration of all stakeholders, not to mention the assistance of our allies and other partner countries.” bahagi pa ng mensahe ni Galvez.
Sa datos, umaabot na sa 95-milyong piso ang halaga ng paunang tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong residente.
Patuloy din ang Caritas Manila sa pagsasagawa ng donation drive upang makalikom ng sapat na pondong ipambibili ng suplay ng pagkain na ipapamahagi sa mga mamamayang naapektuhan ng Oil Spill sa Mindoro.