VeritasPH

The Word, The Truth

 544 total views

Homiliya para sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento Taon A, Ika-4 ng Disyembre 2022, Mat 3:1-12

Nakakita na ba kayo ng isang punongkahoy na pinutol na at ibinagsak, sinibak at sinunog, pero pagkatapos ng ilang araw, matapos na maulanan, may lumalabas na naman na bagong usbong mula sa tuod? Ganito ang paglalarawan na ginagamit ng ating unang pagbasa mula kay propeta Isaias para sa hinihintay na Mesiyas mula sa pamilya ni David na anak ni Jesse. Larawan ng pag-asang sumisibol sa gitna ng isang sitwasyon ng pagkatalo at pagkabigo, bagong buhay sa gitna ng kamatayan, bagong simula pagkatapos ng inakalang katapusan.

Sa ikalawang pagbasa, hindi nagpapaligoy pa si San Pablo. Tinutumbok na kaagad niya kung sino ang usbong na ito na sa pamamagitan daw ng Salita ng Diyos ay “magpapanatili at maghahatid ng lakas ng loob” sa gitna ng kawalan ng pag-asa: ang Panginoong Jesukristo.

Pero sa ating ebanghelyo, dalawang pinuno ang ipinakikilala ni San Mateo: si Juan Bautista at si Jesus. Kaya nalito ang mga tao, lalo na ang mga pamilyar sa Orakulo ng Propeta. Ang hinulaan ni Isaias na usbong na sisibol mula sa puno ni Jesse, ito na ba si Juan Bautista? Sa kanya kasi parang nabanaagan na ang kakaibang klase ng pamumuno na ihahatid daw ng Mesiyas ayon kay Isaias: may taglay daw na karunungan at pag-unawa, paggabay at lakas, kaalaman at pamimitagan sa Diyos, pagkatakot sa Diyos na magbibigay-galak. Sa madaling salita, puspos ng Espiritu Santo. Naramdaman nila ito kay Juan Bautista.

Galing sa pamilyang pari si Juan Bautista. Anak siya ni Zacarias na pari ng templo, gayundin ni Elisabet na nagmula raw sa angkan ng paring si Aaron. Kaya sigurado ako na nagsanay nang mabuti si Juan sa Jerusalem, lalo na sa Banal na Kasulatan para maghanda sa pagiging pari ng templo. Pero imbes na sumunod siya sa yapak ng tatay niya, naging arang ermitanyo siya sa disyerto. Nabuhay sa katahimikan upang magsanay sa pakikinig sa Salita ng Diyos. Hindi pala pagpapari kundi pagpopropeta ang bokason at misyon niya. Pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Paano nga naman niya ipahahayag ang Salita kung di muna niya ito pakinggan nang mabuti? Tagapagpapakilala raw siya ng Hinirang ng Diyos. Paano nga naman niya ipakikilala kung hindi muna niya ito nakilalang mabuti?

Akala siguro ng iba nasiraan na ng bait si Juan Bautista nang mamundok. Kasi, tinalikuran niya ang karangyaan ng kanyang pamilya. At nang magpakilala siya sa Israel, lalo na sa mga naghahanap ng Mesiyas, ang pakilala niya sa sarili niya ay TINIG NA SUMISIGAW SA DISYERTO. Tinig ng Diyos na sa disyerto maririnig. Parang kabalintunaan, di ba? Sino ang makikinig sa kanya doon sa disyerto? Wala namang tao sa disyerto. Noong una, wala. Pero nagsidatingan sila. Marami ang nagsiparoon at nakinig sa kanya. Gusto nilang marinig ang tinig na naririnig niya sa katahimikan, na matagal nang hindi naririnig ng Israel.

Ganyan din naman sa atin ngayon, di ba? Sa gitna ng gulo at ingay ng buhay, di ba kung minsan naghahanap din tayo ng mga ilang na lugar, mga disyerto sa siyudad, mga lugar na tahimik, kung saan puwede mong marinig pati hininga mo, pati tibok ng puso? Pwedeng matagpuan ito sa simbahan, pwedeng sa bundok, pwedeng sa may dalampasigan. Sa totoo lang pwede naman kahit saan basta handang tumahimik ang tao para makinig sa Diyos. Kailangan talagang tumahimik para marinig ang Salita ng Diyos. Paano natin maipahahayag ang Salita kung di muna natin ito pinakinggang mabuti?

Sabi ni San Pablo, dalawang bagay ang hatid ng Salita ng Diyos: pananatili at lakas ng loob. Ang kabaligtaran ng pananatili ay pagkabulok. Ito ang babala ni Juan Bautista sa mga nagtutungo sa kanya sa disyerto para magpabinyag. Nilinaw niya na walang hinaharap ang taong nasanay na sa katiwalian at kasalanan kundi pagkabulok.

Sabi ni San Pablo, “sa pamamagitan ng PANANATILI at LAKAS-NG-LOOB na dulot ng Kasulatan, tayo ay magkaroon ng pag-asa.”

Tinutukoy niya ang mga Hentil na kahit hindi Hudyo ay nagsilapit sa sinagoga para mapakinggan ang Salita ng Diyos. Para silang mga langgam na naakit sa amoy ng asukal. Mabuti pa ang malayo lumalapit, pero kung sino pa ang malapit sila ang lumalayo ang loob sa Diyos, kung sino pa ang nasa loob na ng sinagoga.

Huwag nating hayaang mabulok ang ating mga buhay. Ito ang babala ni Juan Bautista. Kailangangang talikuran ang lahat ng nagdudulot ng pagkakabulok ng pag-iisip at pag-uugali. Ang hamon ni Juan ay pagbabago-ng-kalooban, pananatili-sa-Salita-ng-Diyos. Ito ang hamon niya sa mga Pariseo at Saduseo nagpapabinyag din sa kanya, kung ibig daw nilang manariwa ang buhay nila, umusbong at magbunga. Hindi uusbong o magbubunga ang mga buhay na pinabubulok ng pagkakasala.

Tagapaghanda ng daan. Ito ang pakilala ni Juan sa sarili niya. Hindi sarili ang itinatawag-pansin kundi ang Mesiyas, ang hinirang ng Diyos, ang usbong sa tuod. Siya lang ang maaaring pagmulan ng lakas ng loob at pag-asang hatid ng Espiritung kaloob niya.

Kahapon sa ebanghelyong binasa sa pista ni St. Francis Xavier, ang ganda ng paglalarawan na bigay ni San Mateo sa mga taong lumalapit kay Jesus. Mga taong “nalilito at nanlulupaypay”, parang “mga tupang walang pastol”. Di ba ganyan din ang pinagdaanan ng marami sa atin mula nang magsimula ang pandemya? Maraming nalilito at nanlulupaypay, parang nasisiraan ng loob, nawawalan ng direksyon sa buhay.

Ang pagbibinyag na ginagawa ko ay paglilinis ng loob para maging handa ang tao na tumanggap sa lakas at kapangyarihan na hindi sa akin manggagaling. Ito ang paliwanag ni Juan. Hindi ako, kundi ang hinirang ng Diyos ang magbibigay nito sa inyo. Hindi ako kundi siya ang usbong mula sa tuod. Siya lang ang makapagbubuo sa mga pusong wasak. Siya lang ang makapagpapalakas sa mga kaloobang nanghihina.

May isa pang panulat si San Pablo sa mga taga-Filipos tungkol sa mga naghahangad ng LAKAS NG LOOB. Sabi niya, “Kung ibig ninyong magkaroon ng lakas ng loob na nagmumula kay Kristo, lubusin ninyo ang aking kagalakan sa pamamagitan ng pakikitulad kay Kristo, sa pakikiwangis sa kanyang puso, sa pagsusumikap na magmahal, mag-isip at mag-ugaling katulad niya, na nagpakumbaba at nagbuhos nang lubos sa buong pagkatao niya hanggang kamatayan.”

Nakakatawa na may mga bansa na bawal na daw na magsabi ng Merry Christmas pag nagdiwang ng Pasko. Happy Holidays na lang daw. Pwede kayang magkaroon ng Krismas kung walang Kristo? Pwede. Parang regalong kahon na nakabalot at may ribbon pa pero walang laman. Parang mga ilaw na kumukuti-kutitap pero walang dulot na totoong liwanag. Parang katawan na walang kaluluwa. Parang taong naglalakbay pero walang patutunguhan. Kaya nga may Adbiyento muna bago Pasko, upang ang dumating sa buhay natin ay hindi dilim kundi liwanag, hindi trahedya kundi pag-asa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 612 total views

 612 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 16,598 total views

 16,598 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,643 total views

 24,643 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,723 total views

 29,723 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,429 total views

 35,429 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,596 total views

 2,596 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,012 total views

 7,012 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,338 total views

 2,338 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,861 total views

 2,861 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,360 total views

 4,360 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,204 total views

 5,204 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,459 total views

 3,459 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,672 total views

 7,672 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,905 total views

 6,905 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,117 total views

 11,117 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,565 total views

 4,565 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,569 total views

 4,569 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,569 total views

 4,569 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,561 total views

 4,561 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,561 total views

 4,561 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top