Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

May mas malaking national threat

SHARE THE TRUTH

 332 total views

Mga Kapanalig, sa mga panahong nakararanas ng pagsubok ang inyong pamilya, may mga pagkakataon bang nawawala ang mga inaasahan ninyong makatuwang sa paghahanap ng solusyon sa inyong mga problema?

Hindi nalalayo ang ganitong scenario kapag nahaharap ang ating bayan sa isang sakuna o krisis. At sa mga ganitong pagkakataon, inaasahan natin ang pangulo bilang ama—o ina—ng ating bansa na magbibigay sa atin ng lakas ng loob at ng katiyakang bubuti rin ang ating kalagayan. Sa tuwing nasasalanta tayo ng malalakas na bagyo at marami tayong mga kababayang lumubog sa baha, nawalan ng bahay, o namatayan ng mahal sa buhay, hindi ba’t marapat lamang na nariyan ang ating pinunong mangunguna sa paghahanap ng paraan upang maibsan ang hirap na ating pinagdaraanan? Kaya dapat lamang na tanungin natin: nasaan ang pangulo?

Ngunit para kay Senador Robin Padilla, ang pagtatanong kung nasaan ang pangulo ay isang “national threat”. Ang paghingi raw ng impormasyon tungkol sa lokasyon ng presidente ng Pilipinas ay isang banta, ngunit hindi naman niya nilinaw kung bakit mapanganib na malaman ng publiko kung nasaan ang ama ng bayan. Mistulang nasaktan ang senador sa aniya’y mga tsismis na wala sa Pilipinas si Pangulong Bongbong Marcos noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Paeng noong Oktubre. Kasama raw niya ang presidente sa Cotabato noong mga panahong iyon, ngunit hindi man lang daw siya tinanong ng Office of the President na hindi makapagbigay ng malinaw na impormasyon kung nasaan nga ba ang pangulo. Inakala daw tuloy ng mga naapektuhan ng bagyo sa BARMM na “pinabayaan sila ng Pangulo ng Pilipinas.”

Ang mga nagpapakalat daw ng malisyosong impormasyon kung nasaan ang pangulo ay nagpapakalat daw ng fake news. At kumbinsido si Senador Padilla na hindi sapat ang mga umiiral na batas upang parusahan ang mga nasa likod ng tinatawag na misinformation at disinformation. Ngunit kung magkasama naman pala ang senador at ang pangulo noong nananalasa ang Bagyong Paeng at alam nilang hinahanap ang pangulo, bakit hindi ito agad na ipinaalam sa publiko ng mismong opisina ng presidente o ni Senador Padilla? Madali naman nang magpadala ng impormasyon sa pamamagitan ng social media.

At mabalik tayo sa usaping fake news. May magpaalala sana kay Senador Padilla na noong panahon ng kampanya at eleksyon, si Pangulong Marcos Jr ang nakinabang sa mga positibo ngunit nakalilinlang na mga impormasyon sa social media. Ito ay ayon sa grupong Tsek.ph na binubuo ng mga mananaliksik at propesor. Wala namang nagsasabing sangkot ang kampo ng presidente sa pagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya, ngunit kung seryoso ang senador na solusyunan ang problema ng fake news, hanapin sana niya ang ugat nito, sinu-sino ang nasa likod ng mga ito, at paano palalakasin ang kakayahan ng mga Pilipinong alamin kung tama o mali ang impormasyong nababasa, napapanood, o natatanggap nila. Ayon nga sa survey ng Pulse Asia, siyam sa sampung Pilipino ang sang-ayong problema ang fake news sa Pilipinas.

Mga Kapanalig, minsang sinabi ni Pope Francis na ginagawang kasabwat ng kasamaan ang sinumang nagpapakalat ng fake news. Ang tagapagkalat ng mapanlinlang na impormasyon ay tila ba ang ahas sa Genesis 3:1-6 na tinukso si Eba na kainin ang bunga ng puno sa gitna ng hardin upang sila ay maging parang Diyos na nalalaman ang mabuti at masama. Ngunit maging mapagbantay din tayo kung totoo nga bang nababahala ang ating mga lider sa fake news o kung ginagamit ba nila ito upang palabasing sila ang biktima ng fake news. Maging mapagbantay tayo kung ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan upang bansagang tagapagpakalat ng fake news ang mga naghahanap at nagsasabi ng katotohanan. Ito ang totoong national threat.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,778 total views

 5,778 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 18,918 total views

 18,918 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,891 total views

 24,891 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,646 total views

 30,646 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 37,908 total views

 37,908 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,779 total views

 5,779 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 18,919 total views

 18,919 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 24,892 total views

 24,892 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 30,647 total views

 30,647 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 37,909 total views

 37,909 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,053 total views

 41,053 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,434 total views

 36,434 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,438 total views

 48,438 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,480 total views

 56,480 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,037 total views

 48,037 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,462 total views

 46,462 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,248 total views

 48,248 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,173 total views

 45,173 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,487 total views

 59,487 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,177 total views

 63,177 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top