Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Urban migration, mapipigilan sa pagpapalago ng ekonomiya sa mga lalawigan.

SHARE THE TRUTH

 1,956 total views

Naninindigan ang pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas na maiiwasan at mapipigilan ang “urban migration” o pagpunta ng mamamayan sa highly urbanized areas kung magkaroon kaunlaran sa mga lalawigan.

Ito ang mensahe ni Father Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas sa paggunita ng Urban Poor Solidarity Week (UPSW).

“Sa Urban Poor Solidarity Week tayo po ay nagdarasal kasama ang Santa Iglesia, nakikiisa, sa selebrasyon ng conciousness week na ito upang ating mabigyan ng prayoridad ang dukha, yun pong mga tinatawag natin urban poor,” pahayag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas

Tinukoy din ni Father Pascual ang kahalagahan ng pagkakaisa ng simbahang katolika, pamahalaan at mga non-government organization (NGO)upang makalikha ng kabuhayan sa mga kanayunan sa bansa.

Tiniyak naman ng Pari na patuloy na tinugunan ng social arm ng Archdioese of Manila ang pangangailangan ng mahihirap at makalikha ng mga programang magtataguyod sa kanila na magkaroon ng pagkakakitaan.

“Sapagkat ang kahirapan ay hindi kalooban ng Diyos, ito’y salot sa lipunan at hindi ayon sa plano ng ating Panginoon na nagpunta rito upang bigyan tayo ng buhay na kasaya-saya sabi nga sa John 10:10,”paglilinaw ni Father Pascual.

36 taon ng ginugunita ang U-P-S-W sa bisa ng Presidential Proclamation No.367 ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Layunin ng gawain na palalimin ang kaalaman ng bawat isa sa nararanasan ng mga pinakamahihirap na mamamayan at magtaguyod ng mga hakbang, polisiya o patakaran upang mapabuti ang antas ng kanilang pamumuhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 8,592 total views

 8,592 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 16,828 total views

 16,828 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 24,810 total views

 24,810 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 33,274 total views

 33,274 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 41,058 total views

 41,058 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top