Voting is an act of prayer-Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 645 total reads

Ang pagboto sa halalan ay maituturing na isang paraan ng pananalangin para sa bayan.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action – Justice and Peace sa ikalawang serye ng novena mass ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) bilang paghahanda sa 2022 national elections.

Ayon sa Obispo, ang pagboto ay isang paraan ng pagdarasal para sa pagkakaroon ng bayan ng kapat-dapat na opisyal na mamumuno para sa bayan.
Paliwanag ni Bishop Bagaforo na siya ring National Director ng NASSA/Caritas Philippines, dapat na isa-puso at isa-isip ng bawat botante sa pagboto ang pananalangin sa pagsasakatuparan ng ikabubuti ng buong bansa.
Iginiit ng Obispo na bukod sa pananalangin sa pagkakaroon ng lider na tututok sa kaunlaran, katahimikan at kaginhawaan ng bayan ay dapat din piliin ng mga botante ang mga lider na higit na magbibigay prayoridad sa pagsugpo sa malawakang krisis na dulot ng pandemya.

“Voting is an act of prayer, kung tayo ay boboto isa yang dasal, dasal natin sana magkaroon tayo ng karapat-dapat na leaders, pinuno ng ating bayan. Voting is an act of prayer kapag tayo ay nagboto, tayo ay nagdadasal na sana magkaroon tayo sa ating bansa ng kaunlaran, katahimikan, maging maginhawa ang ating buhay, maging matahimik ang ating buhay, hindi tayo maghirap na sana matulungan tayo ng ating mga pinuno na ating pipiliin para masugpo itong pandemic at huwag ng magpatuloy pa ng maraming taon, so tandaan natin voting is an act of prayer.” Ang bahagi ng pagninilay ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Kaugnay nito bahagi ng layunin ng ikalawang serye ng online mass ng PPCRV na ipanalangin ang paninindigan sa tama ng mga alagad ng batas sa pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan.

Tinagurian ang serye ng novena masses na gagawain sa loob ng siyam na buwan na PPCRV Prayer Power Campaign 2022 na nagsimula noong ika-9 ng Setyembre, 2021 na gagawin hanggang sa mismong araw ng halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.

Layunin ng gawain na ipanalangin at hingin ang paggabay ng Panginoon sa matalino at maka-Diyos na pakikilahok sa halalan ng bawat mamamayang Pilipino o pagpapairal ng One Godly Vote para sa kinabukasan ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,250 total reads

 58,250 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,418 total reads

 137,418 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,863 total reads

 170,863 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,161 total reads

 206,161 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,329 total reads

 430,329 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top