Walang dapat nagiging batang magulang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total reads

Mga Kapanalig, ibinalita kamakailan ng Commission on Population and Development (o POPCOM) na tumaas ng 7% ang bilang mga batang babaeng 15 taóng gulang na nagkaroon ng anak noong 2019 kumpara noong 2018. At sa mga batang edad 10 hanggang 14, higit sa dalawang libo ang naging mga batang ina, ayon naman sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Sampung taóng gulang ang naitalang pinakabatang babaeng nagkaroon ng anak noong 2019.

Sa huling siyam na taon, patuloy na tumataas ang kaso ng teenage pregnancy. Tinatayang isa sa bawat sampung panganganak sa ating bansa ay isang batang inang nanganganak. Babala ng komisyon, maaaring mas tumaas ang bilang ng mga batang ina ngayong pandemya dahil sa kawalan ng access sa impormasyong tama at akma sa kanilang edad, gayundin sa mga serbisyong pangkalusugan.



Kaya hindi na nakapagtataka ang resulta ng huling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (o SWS) kung saan 6 sa 10 Pilipino ang naniniwalang teenage pregnancy ang pinakamabigat na problemang kinakaharap ng mga kababaihan sa kasalukuyan.

Paano nga ba natin maiiwasang magkaanak sa maagang edad ang ating mga anak?

Ayon sa Child Rights Network (o CRN), isang alyansa ng mga organisasyong nagsusulong karapatang pambata, malaki ang magagawa ng pagsasabatas ng tatlong panukalang batas upang tugunan ang pang-aabuso sa mga batang karaniwang nauuwi sa kanilang maagang pagbubuntis. Ang unang panukala ay ang Anti-Child Rape Bill na nagtataas ng edad ng statutory rape mula 12 taóng gulang sa 16 taóng gulang. Ibig sabihin, binibigyan ng mas mataas na proteksyon ang mga batang wala pang 16 na taóng gulang at kininilalang hindi pa ganap ang kanilang kapasidad upang pumayag makipagtalik, lalo na sa isang nakatatanda o adult.

Pangalawa ay ang panukalang batas na Prohibition of Child Marriage Bill. Bagamat 18 taóng gulang ang legal na edad upang makapagpakasal, nangyayari pa rin ang pagpapakasal ng mga bata, lalo na kung buntis na ang isang batang babae. Layunin ng panukalang batas na parusahan ang sinumang magkakasal o magpapakasal sa mga bata.



Panghuli ay ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill. Layon nitong paigtingin ang pagbibigay-impormasyon sa mga bata tungkol sa kanilang kalusugan nang naaayon sa kanilang edad. Magkakaroon din ng opisina sa mga lokal na pamahalaan upang matutukan ang implementasyon nito sa mga komunidad. At ang pinakamahalagang probisyon nito ay ang pagbibigay ng pamahalaan ng social protection sa mga batang magulang at kanilang mga anak.

Kasabay ng pagsasabi nating walang dapat nagiging batang magulang at ng pagsusulong ng mga nabanggit nating panukalang-batas, mahalaga rin ang ating papel bilang mga nakatatanda sa paggabay sa mga kabataan. Sabi nga ni Pope Francis sa kaniyang apostolic exhortation na Amoris Laetitia, ang paghubog sa mga bata ay pangunahing tungkulin ng mga magulang. Ang pahubog sa kanila ay kailangang unti-unti, dahan-dahan, at hindi nakabatay sa takot nila sa atin bilang mga nakatatatanda. Sabi nga sa Efeso 6:4, “Huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak… Palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at aral ng Panginoon.”

Ngunit ang pagtugon sa isyu ng teenage pregnancy ay hindi lamang dapat nakatuon sa mga batang babae. Dapat din nating tiyaking napoprotektahan sila sa mga lalaki—lalo na sa mga mas matanda—na umaabuso sa mga bata at humahantong nga sa maagang pagbubuntis ng mga batang babae. Muli, magsisimula ito sa ating mga tahanan, sa pagpapangaral sa mga anak nating lalaki at papapalakí sa kanilang iginagalang ang mga babae. Bilang mga mamamayan, dapat din nating burahin ang kulturang itinuturing lamang na kasangkapan ng mga lalaki ang mga babae.

Mga Kapanalig, walang magiging batang magulang kung responsible tayong mga nakatatanda sa ating sariling pamilya at sa ating pamayanan.

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,028 total reads

 22,028 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,155 total reads

 22,155 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,353 total reads

 39,353 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,759 total reads

 95,759 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,260 total reads

 219,260 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,683 total reads

 302,683 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,354 total reads

 39,354 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,760 total reads

 95,760 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,261 total reads

 219,261 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top