Caritas in Action ng Radio Veritas, bukas pusong pagtulong sa mga dukha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total reads

Inihayag ng Commission on Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mamamayan upang maibsan ang kahirapang dulot ng pandaigdigang krisis.

Kinilala rin ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon ang ‘Caritas in Action’ ang bagong lunsad na programa ng Radio Veritas 846 na tututok sa pagbibigay ng tulong sa nangangailangan sa pamayanan.

Paliwanag ng obispo na ang Caritas ay nangangahulugang ‘love in action’ na dapat palaganapin sa lipunan.

“Mabuti ang bagong programang ito upang mas makatulong na ma-connect ang mga nangangailangan ng tulong at mga pwedeng magbigay ng tulong; lalo ngayong tumatagal ito [coronavirus pandemic] lalong tumitindi ang kahirapan ng tao kaya dapat talagang mas buksan ang ating mga puso na makatulong,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Katuwang ng Radio Veritas ang Caritas Manila at iba pang grupo na nais maghatid ng tulong sa publiko.

Iginiit ng opisyal na ang pagtulong ay hindi lamang sa pamamagitan ng pinansyal kundi maging ang paglapit sa kapwa, pagbibigay aral o pagsasanay pang-kabuhayan upang maipakita na sa gitna ng kahirapan ay nagtutulungan ang mamamayan.

Tiniyak ni Bishop Pabillo na ang simbahan ay nakahandang lumingap sa nangangailangan ng tulong kasabay ng panawagan sa mananampalataya na magkaisa sa pagtugon sa pangangailangan ng kapwa na nahihirapan at labis naapektuhan ng pandemya.

“Magandang tanda na nakikita nila ang simbahan bilang pamilya kung saan kapag tayo ay nangangailangan lumalapit tayo sa ating pamilya at humihingi ng tulong; ipagpatuloy ninyo ang programa at sana patuloy tayong magtulungan sa isa’t-isa,” ani Bishop Pabillo.



Ang Caritas in Action ay pinangangasiwaan ni Rowel Garcia ang incharge ng disaster response unit ng Radio Veritas kasama ang social arm ng Archdiocese of Manila.

Mapakikinggan ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, ala una hanggang alas dos ng hapon.

Maaring makipag-ugnayan sa himpilan sa 8925-7931 hanggang 39 para sa karagdagang detalye ukol sa nasabing programa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 75,738 total reads

 75,738 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 116,297 total reads

 116,297 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 139,660 total reads

 139,660 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 187,928 total reads

 187,928 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 207,064 total reads

 207,064 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top