Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,662 total reads

Homiliya para sa First Sunday of Lent A, 22 Peb 2026, Mat 4:1-11

Ano ba ang “Transparency and Accountability” sa Tagalog? Walang tinatago at handang managot. Ito ang dalawang importanteng punto ng ating mga pagbasa sa unang Linggo ng panahon ng Kuwaresma—ang apatnapung araw na paghahanda natin sa Pagkabuhay.

Sa Bibliya, may konteksto ang dalawang prinsipyong ito ng transparency at accountability. May kinalaman sa tungkulin na itinalaga ng Diyos sa tao, dahilan kung bakit tayo nilikha, ayon sa aklat ng Genesis.

Bakit nga ba tayo nilikha ng Diyos? Kapag huminto ka sa pagbasa sa chapter 1 lang, sa unang kuwento tungkol sa Paglikha ng Diyos sa sanlibutan, pwede kang maligaw. Sabi kasi ng Diyos sa tao sa dulo ng kuwento, matapos likhain ang tao sa kanyang hugis at wangis, “Magpakarami kayo at pamahalaan ninyo ang sangnilikha.” Bakit delikado ito? Dahil puwede tayong umasta na parang pag-aari natin ang sangnilikha. Kahit totoong tayo ang pinamahala, hindi tayo nilikha para maghari-harian o mag-Diyos-diyosan. Kailangang basahin din ang ikalawang bahagi ng kuwento ng paglikha para maintindihan kung ano ang dahilan kung bakit niloob Diyos na likhain ang tao bilang kalarawan niya: hindi upang maghari-harian kundi upang maging mabuting katiwala. (Tagapangalaga ng paraiso.)

Sa usaping ito, dito tayo mismo nililito ng kaaway—si Satanas. Ginawang career kasi ni Satanas ang lituhin ang tao para mapabagsak tayo, para mapahiya ang Diyos sa mataas na dangal na pinagkaloob niya sa atin. Bibilugin ni Satanas ang ulo mo. Sasabihin niya: di mo ba alam na may powers ka? Pwede mong gawin kahit ano ang gusto mo. Ito ang madalas na maging sanhi ng pagkahibang ng tao.

Sa araw na ito, ng unang Linggo ng ating pagsasanay na espiritwal, ang mahalagang paalala sa atin ay, “Hindi natin pag-aari ang mundo. Sa Diyos iyan. Pero ipinagkatiwala sa atin. Ibig sabihin may tiwala sa atin ang Diyos. Ito ang papel natin: hindi boss, kundi katiwala. Kaya huwag natin sisirain ang tiwala ng Diyos na nagtiwala sa atin.”
Ganyan din ang diwa ng pangungubyerno: “public trust” ang tawag natin sa pundasyon nito. Katiwala (hindi amo) ng bayan. Walang karapatang mamahala ang sinumang sumira sa tiwala ng bayan.
Paano paninindigan ang tiwala? Sa dalawang prinsipyong kaakibat ng pagiging mabuting katiwala: ang transparency at accountability. Transparent: walang itinatago. Accountable: handang managot.

Dito tayo madalas mapaglaruan ni Satanas. Napakahusay kasi niya sa pag-unawa sa human psychology. Di lang nag-MA, nagdoctorate din. Mahusay magtanim ng duda sa puso natin tungkol sa hangarin ng Diyos.

Tulad ng sinabi niya sa tao, ayon sa kuwento. Sino’ng nagsabi sa inyong bawal kumain ng prutas na iyan? Ang sarap niyan. Sino’ng nagsabing ikamamatay ninyo? Hindi totoo. Magkaka-power kayo. Madamot kasi ang Diyos. Ayaw niyang i-share ang powers niya. Kain na!”

Ganoon kung dumating sa tao ang tukso sa pagkakasala. Ang unang pinupuntirya ni Satanas ay ang pagnanasa. Ayaw mong tingnan? Ano bang masama doon? Titingnan mo lang naman e, hindi mo pa pinipitas. Hindi pa kasalanan iyon. Mahusay sa justification.

Matagal ko nang ipinagtataka, bakit ba parang umuulit ang dalawa sa Sampung Utos ng Diyos? Meron nang 6th commandment “Thou shalt not commit adultery.”, Bakit meron pang 9th commandment na “Thou shalt not covet thy neighbor’s wife?” Meron nang 7th commandment na “Thou shalt not steal.” Ba’t meron pang 10thncommandment na “Thou shalt not covet thy neighbor’s goods?” Pareho ba iyon? Hindi.

Ito ang idinidiin ni Hesus sa komentaryo niya sa sermon on the mount. Narinig ninyo ang utos ni Moises—“Huwag kang papatay.” Pero ang utos ko sa inyo ay “Huwag kang magtatanim ng galit sa kapwa.” Narinig nyo rin ang utos, “Huwag kang makikiapid.” Ngunit sinasabi mo sa inyo, “Huwag mong pagnasaan ang asawa ng iba.”

Ibig sabihin, kung ayaw natin ma-corrupt, simulan sa ugat—disiplinahin ang pagnanasa. Kapag natuto na tayong magtago, magsinungaling, o magduktor ng resibo at nakalusot, masasanay tayo sa ganya. Nalihis na tayo.

Moral reset ang kailangan ng ating bayan. Oo, buong bayan, hindi lang mga lingkod bayan. Imposibleng magkaroon ng good governance kung walang responsible citizenship. Ganyan sa demokrasya—ang pundasyon ay pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala. Mataas na bokasyon ang pulitika ayon sa Catholic social teaching, ito’y pagiging tagataguyod ng kabutihan panlahat. Ang pundasyon ay tiwala—hindi lang tiwala ng bayan kundi tiwala ng Diyos.

Oo, pwede mong lokohin o pagtaguan, o dayain ang bayan, pero pwede mo bang lokohin, pagtaguan o dayain ang Diyos? Pananampalataya ang tunay na pundasyon ng mga prinsipyo ng transparency and accountability.

Conclusion? May panalangin ang pari pagkatapos ng Ama Namin sa Misa. “Deliver us Lord we pray, from every evil, gracious grant peace in our days, that by the help of your mercy we may be always free from sin and safe from all distress, as we await the blessed hope and the coming of our Savior Jesus Christ.:

Ang sagot ng bayan sa panalangin ito ay susi sa kaligtasan sa tukso: isang paalala:

For Thine is the kingdom and the power and the glory. Sapagkat sa iyo ang Kaharian, kapangyarihan at kapurihan magpakailanman.

Kapag ang Thine ay naging Mine, ibig sabihin bagsak na tayo. Delikadong business ang mining. Tandaan natin, wala tayong karapatan angkinin ang sa Diyos. Wala tayong dala nang isilang sa mundo at wala rin tayong dadalhin sa kabilang buhay. Tayo ay putik na hiningahan. Iisa lang ang ating kayamanan—ang tiwalang binigay ng Diyos sa atin bilang kanyang katiwala. Huwag nating sirain ang kanyang tiwala.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 10,660 total reads

 10,660 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 192,827 total reads

 192,827 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 224,559 total reads

 224,559 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 326,382 total reads

 326,382 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 366,939 total reads

 366,939 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 379,693 total reads

 379,693 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 14,210 total reads

 14,210 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »

THE SAINTS OF FRANCE COME ALIVE

 12,514 total reads

 12,514 total reads One of the most beautiful moments of Pope Leo’s visit to France was the spectacular presentation at the Stade de France, where some

Read More »

FOLLOWING POPE LEO IN FRANCE

 11,465 total reads

 11,465 total reads I have been following with great interest the news and social media posts on Pope Leo XIV’s Apostolic Visit to France. I must

Read More »
Scroll to Top