Caritas Philippines, PCCI,M4GG at DPWH, lumagda sa kasunduan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,892 total reads

Opisyal na lumagda ng isang bagong kasunduan ng pagtutulungan at pagbubuo ng isang makasaysayang koalisyon ang apat sa maimpluwensyang sektor sa bansa sa kasalukuyan sa pangunguna ng Caritas Philippines, PCCI, Mayors for Good Governance (M4GG), at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Caritas Philippines Chairman, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, layunin ng kasunduan na higit na mapalakas ang pagtutulungan, transparency, at data sharing upang mapalakas ang validation ng mga proyektong pampubliko, masiguro ang maingat na paggamit ng pondo ng bayan, at higit pang pagtibayin ang tiwala ng publiko sa mga programa ng pamahalaan.

Pagbabahagi pa ng Obispo na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace, layunin nitong himukin ang mas malawak na partisipasyon ng mamamayan sa pagtugon sa mga agarang suliraning panlipunan, mula sa transparency sa imprastraktura at matapat na pamamahala, gayundin sa pakikipagtulungan sa sektor ng negosyo, civil society, pamahalaan, at maging Simbahan.

“Ngayon with Caritas Philippines, with PCCI, with Mayors for Good Governance, as well as DPWH as a start ay we hope na mas widespread ang participation kasi ang Simbahan naman natin ay nasa 86-dioceses and ecclesiastical territories, and then hopefully with greater participation we can really address corruption and really do something about it, especially about accountability kaya magtulungan tayo, yun ang appeal natin magparticipate tayong lahat.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Ayon sa humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikilahok ng bawat mamayan sa mahahalagang gawain para sa pambansang kaunlaran at paggalang sa dignidad ng tao.

Ito rin ay bahagi ng puspusang isinasagawang pagsusulong ng Caritas Philippines sa People’s Power sa buong bansa sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mamamayan.

“Para sa akin simula na ito ng pagsasakaturapan ng vision ni Pope Francis to enlarge the space of our intent, to really encourage greater people’s participation kasi wala namang first EDSA kung iilan lang yung sumali, iilan lang yung nagparticipate kasi after 40-years the first People Power, sana lalong dumami, lumakas, lumawak ang pagsama-sama, ang participation, lalo na ng mga nasa laylayan.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Isinagawa ang opisyal na paglagda sa nasabing pambihirang Memorandum of Cooperation (MoC) kasabay ng paghahanda sa nakatakdang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Umaasa naman si Bishop Alminaza na sa pamamagitan ng bagong kasunduan ng pagtutulungan na nilagdaan ng koalisyon ay mayroon ng ganap na mapanagot na mga tiwaling opisyal ng bayan upang muling mabigyang dignidad ang katotohanan, katapatan, at pananagutan sa pamahalaan.

“Sana mayroon mananagot talaga at saka dahil nga we will be able to gather the evidences, maka-file tayo ng mga cases and make people accountable, and then at the same time ma-stop na talaga ito, may pagbabago talagang mangyari.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Pinangunahan ni Bishop Alminaza ang paglagda sa kasunduan para sa panig ng Simbahan sa pamamagitan ng Caritas Philippines, kasama sina DPWH Secretary Vince Dizon, Baguio Mayor Benjamin Magalong para sa M4GG, at PCCI President Perry Ferrer.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,064 total reads

 233,064 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,795 total reads

 264,795 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,619 total reads

 366,619 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,182 total reads

 407,182 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,223 total reads

 418,223 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top