Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

 17,785 total views

Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Ipinaliwanag ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na magkaiba ang pamamaraan ng pagpili ng lider ng simbahang katolika sa pampamahalaang pulitika.

“Wala pong kandidato sa conclave, huwag po ninyong ipo-project ang concept natin ng halalan tulad ng nakagisnan nating mga halalan sa ating gobyerno,” pahayag ni Cardinal David.

Ayon pa sa cardinal hindi maituturing na eleksyon ang paghahanap ng susunod na santo papa ng simbahang katolika kundi ‘retreat’ para sa mga Cardinal Electors sapagkat panahon ito ng taimtim na mga panalangin at pagninilay sa tulong ng Banal na Espiritu.

“Malaki ang aming moral and spiritual obligation to enter into the conclave not in the spirit of politics but in the spirit of prayer,” dagdag pa ni Cardinal David.

Iginiit ni Cardinal David na walang sinumang maghahangad na maging santo papa dahil sa kaakibat na malaking tungkuling gagampanan sa buong simbahang katolika lalo na ang pagpapastol sa mahigit isang bilyong katoliko sa buong mundo.

Apela ni Cardinal David sa mamamayan na magbuklod sa panalangin lalo na kung magsisimula na ang mga cardinal sa gaganaping conclave sa mga susunod na 15 araw o hindi lalampas sa 20 araw mula nang pumanaw si Pope Francis upang sa diwa ng Espiritu Santo ay maihalal ang karapat-dapat na kahaliling punong pastol ng simbahan.

Panawagan nito sa publiko na iwasan ang pagbabahagi ng mga hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang misinformation lalo na sa mga mahahalagang usapin.

Sa Pilipinas tatlo ang Cardinal Electors sina Cardinal David, Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula at Cardinal Luis Antonio Tagle na kasalukuyang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization.
Sa datos ng Vatican nasa 135 sa 252 cardinal sa mundo ang mga Cardinal Electors kung saan mayorya nito ay itinalaga ni Pope Francis o nasa 108 cardinal electors, 22 kay Pope Benedict XVI at lima naman kay St. John Paul II.
April 21, Easter Monday nang pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 taong gulang dahil sa karamdaman at kasalukuyang nakahimlay ang mga labi sa chapel ng Casa Santa Marta sa Vatican

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 6,956 total views

 6,956 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 19,404 total views

 19,404 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 54,578 total views

 54,578 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 61,911 total views

 61,911 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 62,602 total views

 62,602 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top