Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walk Against Corruption, isasagawa ng Diocese of San Carlos

SHARE THE TRUTH

 1,625 total views

Magdadaos ng Walk Against Corruption ang Diocese of San Carlos bilang pakikiisa sa mga malawakang pagkilos at pag-apela sa pamahalaan na wakasan na ang korapsyon na pinapahirapan ang mga Pilipino.

Ito ay idadaos sa September 20, pasado Alas-tres ng hapon na magsisimula sa San Carlos Borromeo Cathedral Parish at kapaligiran ng nasasakupang bayan ng dambana sa Diocese of San Carlos.

Ayon sa Diyosesis, layunin nitong maiparating sa mga grupo, organisasyon at samahan na magdadaos ng malawakang pagtitipon ang pakikiisa para sa paninindigan sa laban sa korapsyon at katiwalian.

Ito ay matapos mabunyag sa pamahalaan ang mga maanomalyang imprastraktura at flood control projects ng Department of Public Works and Highways at pribadong sektor ng mga contractors.

Pangunahing magiging sigaw o apela sa gawain ang ‘NO TO CORRUPTION!, THOU SHALL NOT STEAL! PROTECT THE PEOPLE!’ dahil ang mga Pilipino, higit na ang mga mahihirap ang pangunahin o most vulnerable sector na naapektuhan ng mga pagbaha at suliranin na idinudulot ng katiwalian.

“📢 𝗪𝗮𝗹𝗸 𝗔𝗴𝗮𝗶𝗻𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗿𝗿𝘂𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 September 20, 2025 | 3:30 PM, 📍 Cathedral Ground- Around the City

We invite everyone to join this prayer walk as a public expression of our collective stand against corruption. Please wear a white shirt, bring placards, and together let us walk as one community in the call for justice and integrity. NO TO CORRUPTION! THOU SHALL NOT STEAL! PROTECT THE PEOPLE! Together, let us be a voice of hope, truth, and justice for our nation,” ayon sa paanyaya at mensahe ng Diocese of San Carlos.

Samanatala, itutuon ng youth environmentalists group na Panatang Luntian Coalition ang kanilang pagkilos sa Luneta Park sa Maynila sa temang BAHA SA LUNETA.

Ito ay upang bahain o punuin ang lugar ng mga kabataan at Pilipinong nakikiisa sa paninindigahn laban sa korapsyon at katiwalian sa pamahalaan ng mga lider na dapat ay inuuna ang kapakanan ng mga mamamayan.

Binubuo ito ng magkakaibang grupo ng kabataan na mula sa University of the Philippines, Dela Salle University at iba pang paaralan upang higit na masuportahan ang mga grupo at kinatawan ng simbahan na magdaraos ng pagkilos sa September 21.

“Fully endorsing the student-led protests are church leaders and veterans of the anti-dictatorship resistance and anti-corruption campaigns through the years: Bp. Gerardo Alminaza of the Diocese of San Carlos and Vice President of Caritas Philippines, Lawyer Tony La Vina, Sr. May John Mananzan of the Movement Against Tyranny, film director Joel Lamangan, former Pamantasan ng Lungsod ng Maynila president Noel Leyco, Mae Paner a.k.a. Juana Change, journalists Inday Espina Varona, Ma. Ceres P. Doyo, Neni Sta. Romana Cruz, and Paulynn Sicam, and former Bayan Muna Rep. Teddy Casino of the Bagong Alyansang Makabayan. (see attached unity call and statement and list of initial signatories to the Luneta event),” ayonsa mensahe ng Panatang Luntian Coalition.

Sa September 21 ay magdaraos ng ibat-ibang pagkilos na pinamagatang ‘A TRILLION PESO MARCH’ sa Luneta Park sa Maynila ang mga religous groups sa pangunguna ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at mga kaparian ng simbahan kasama ang iba pang progresibong grupo upang higit na kundenahin at ipinawagan ang pagbabago sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TUGISIN ANG MASTERMINDS

 48,868 total views

 48,868 total views AB) ang lisensya ng siyam (9) na construction firms ng mga Discaya. Bukod dito, kinumpiska na rin ng Bureau of Customs (BOC) ang

Read More »

DURA LEX, SED LEX

 71,066 total views

 71,066 total views “DURA LEX, SED LEX– The law is harsh, but it is the law! Lahat tayo ay pantay-pantay sa batas., Ang sinumang nagkasala sa

Read More »

70 LAWBREAKERS

 80,010 total views

 80,010 total views Unti-unti nang naaalis ang maskara ng mga mastermind sa 545-bilyong pisong collusion sa flood control projects ng pamahalaan. Nagiging klaro na ang lahat,

Read More »

Kalinga ng Diyos sa lupa

 90,927 total views

 90,926 total views Mga Kapanalig, higit sa pagpapakain at pagbibigay ng lugar para maligo at matulog sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, ang pagbabalik sa

Read More »

Edukasyong pang-kinder

 109,034 total views

 109,034 total views Mga Kapanalig, lumabas sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na maraming estudyanteng Pinoy na nasa grade 3 ay may

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CEAP, makikibahagi sa TRILLION Peso march

 39,174 total views

 39,173 total views Makikibahagi ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa malawakang pagkilos upang ipakita ang paninindigan laban sa katiwaliang patuloy na nagaganap sa

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top