Walk Against Corruption, isasagawa ng Diocese of San Carlos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,883 total reads

Magdadaos ng Walk Against Corruption ang Diocese of San Carlos bilang pakikiisa sa mga malawakang pagkilos at pag-apela sa pamahalaan na wakasan na ang korapsyon na pinapahirapan ang mga Pilipino.

Ito ay idadaos sa September 20, pasado Alas-tres ng hapon na magsisimula sa San Carlos Borromeo Cathedral Parish at kapaligiran ng nasasakupang bayan ng dambana sa Diocese of San Carlos.

Ayon sa Diyosesis, layunin nitong maiparating sa mga grupo, organisasyon at samahan na magdadaos ng malawakang pagtitipon ang pakikiisa para sa paninindigan sa laban sa korapsyon at katiwalian.

Ito ay matapos mabunyag sa pamahalaan ang mga maanomalyang imprastraktura at flood control projects ng Department of Public Works and Highways at pribadong sektor ng mga contractors.

Pangunahing magiging sigaw o apela sa gawain ang ‘NO TO CORRUPTION!, THOU SHALL NOT STEAL! PROTECT THE PEOPLE!’ dahil ang mga Pilipino, higit na ang mga mahihirap ang pangunahin o most vulnerable sector na naapektuhan ng mga pagbaha at suliranin na idinudulot ng katiwalian.

“📢 𝗪𝗮𝗹𝗸 𝗔𝗴𝗮𝗶𝗻𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗿𝗿𝘂𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 September 20, 2025 | 3:30 PM, 📍 Cathedral Ground- Around the City

We invite everyone to join this prayer walk as a public expression of our collective stand against corruption. Please wear a white shirt, bring placards, and together let us walk as one community in the call for justice and integrity. NO TO CORRUPTION! THOU SHALL NOT STEAL! PROTECT THE PEOPLE! Together, let us be a voice of hope, truth, and justice for our nation,” ayon sa paanyaya at mensahe ng Diocese of San Carlos.

Samanatala, itutuon ng youth environmentalists group na Panatang Luntian Coalition ang kanilang pagkilos sa Luneta Park sa Maynila sa temang BAHA SA LUNETA.

Ito ay upang bahain o punuin ang lugar ng mga kabataan at Pilipinong nakikiisa sa paninindigahn laban sa korapsyon at katiwalian sa pamahalaan ng mga lider na dapat ay inuuna ang kapakanan ng mga mamamayan.

Binubuo ito ng magkakaibang grupo ng kabataan na mula sa University of the Philippines, Dela Salle University at iba pang paaralan upang higit na masuportahan ang mga grupo at kinatawan ng simbahan na magdaraos ng pagkilos sa September 21.

“Fully endorsing the student-led protests are church leaders and veterans of the anti-dictatorship resistance and anti-corruption campaigns through the years: Bp. Gerardo Alminaza of the Diocese of San Carlos and Vice President of Caritas Philippines, Lawyer Tony La Vina, Sr. May John Mananzan of the Movement Against Tyranny, film director Joel Lamangan, former Pamantasan ng Lungsod ng Maynila president Noel Leyco, Mae Paner a.k.a. Juana Change, journalists Inday Espina Varona, Ma. Ceres P. Doyo, Neni Sta. Romana Cruz, and Paulynn Sicam, and former Bayan Muna Rep. Teddy Casino of the Bagong Alyansang Makabayan. (see attached unity call and statement and list of initial signatories to the Luneta event),” ayonsa mensahe ng Panatang Luntian Coalition.

Sa September 21 ay magdaraos ng ibat-ibang pagkilos na pinamagatang ‘A TRILLION PESO MARCH’ sa Luneta Park sa Maynila ang mga religous groups sa pangunguna ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at mga kaparian ng simbahan kasama ang iba pang progresibong grupo upang higit na kundenahin at ipinawagan ang pagbabago sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 64,610 total reads

 64,610 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 109,681 total reads

 109,681 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 131,883 total reads

 131,883 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 168,374 total reads

 168,374 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 385,175 total reads

 385,175 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top