Sa likod ng bilyun-bilyong pisong yaman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 74,788 total views

Mga Kapanalig, nagkakalaglagan na ang mga sangkot sa mga maanomalyang flood control projects

Kamakailan lang, pinangalanan ng mag-asawang contractors na sina Pacifico “Curlee” Discaya at Cezarah “Sarah” Discaya ang ilang pulitiko at opisyal ng Department of Public Works and Highways (o DPWH) na humihingi umano ng kickback sa mga flood control projects.

Sa isang pagdinig sa Senado, nag-alok ang mga Discaya na maging state witnesses upang ilantad ang katiwalian ng ilang mambabatas at opisyal ng mga ahensya ng gobyerno. Nakasaad sa kanilang sinumpaang salaysay ang listahan ng mga pangalan na umano’y humihingi ng kickback na katumbas ng hanggang 25% ng kabuuang halaga ng proyekto. Agad na pinabulaanan ng ilang pulitikong binanggit ng mag-asawa ang paratang na sila ay sangkot sa katiwalian. 

Iginiit pa ng mag-asawang Discaya na kumikita lamang sila ng dalawa hanggang tatlong porsyento lamang mula sa mga kontratang nakukuha nila. Kung maswerte daw, umaabot ng limang porsyento ito. Pagtataka naman ni Pasig City Mayor Vico Sotto, kalaban sa pulitika ng mga Discaya: paano sila naging bilyonaryo kung ganoon lang kaliit ang kita nila?

Ipininta pa ng mga Discaya ang kanilang sarili na para bang ginamit lamang sila ng mga nasa poder. Ayon kay Curlee Discaya sa kanyang testimonya: “We couldn’t do anything because if we do not cooperate, they will cause problems with the projects that [were] awarded to us…” 

Ngunit dapat ba itong mag-alis ng kanilang pananagutan? Siyempre hindi. Habang malinaw na may ugnayan sila sa mga umabuso sa kanilang kapangyarihan, ang desisyon ng mag-asawa sa katiwalian at magkamal ng bilyun-bilyong yaman ay isang maliwanag na pagpili na gawin ang mali. Hindi maliit na bagay ang yaman na naipon ng mga contractors na ito. Ibinunyag ng Philippine Center for Investigative Journalism (o PCIJ) na nakakuha ang mga Discaya ng mahigit 31 bilyon pisong halaga ng flood control project contracts mula 2022 hanggang 2025. May kabuuang 345 solo at joint flood control projects ang kanilang mga kumpanya sa loob lamang ng tatlong taon. Para silang tumama ng jackpot!

Hindi masamang magkaroon ng pera. Ngunit kung ang paghahangad ng yaman ay nagdudulot ng kamatayan at pagdurusa ng kapwa, mali na ito. Sabi nga sa 1 Timoteo 6:10: “Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.” Napapaligiran tayo ng mga sakim, at kinakanlong sila ng mga taong dapat na inuuna ang interes ng taumbayan. 

Ayon sa Catholic social teaching na Laudato Si’, “Often, politics itself is responsible for the disrepute in which it is held, on account of corruption and the failure to enact sound public policies.” Kaya naman, mahalagang isaayos ang ating pulitika. Sapat dapat ang mga mekanismo nito para papanagutin ang mga nagsasamantala. Matatag dapat ang mga institusyong poprotekta sa taumbayan. Sa usaping ito, makatulong sana ang binuo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na isang independent commission na magsisiyasat sa lahat ng alegasyon ng katiwalian sa mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan sa nakalipas na sampung taon. Ang isyu ng flood control projects ng mga Discaya ay isang parte lamang ng mas malaking problema. 

Mga Kapanalig, hindi ito ang unang beses na naging laman ng balita ang katiwalian. Sa kasamaang-palad, malamang hindi rin ito ang huli. Tuluy-tuloy ito hanggang may mga lingkod-bayan na inuuna ang kasakiman, pansariling interes, at kapangyarihan kaysa sa kapakanan ng bayan. Kaya’t tungkulin nating patuloy na magtanong at alamin ang katotohanan kung paano ginagastos ang bilyun-bilyong pisong pinag-ambagan ng taumbayan. Karapatan nating mga Pilipino ang isang malinis at tapat na pamamahala na titiyak naman ng isang maayos na kinabukasan. 

Sumainyo ang katotohanan.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 9,549 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 9,655 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 72,342 total views

 72,342 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 141,955 total views

 141,955 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 173,239 total views

 173,239 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 205,252 total views

 205,252 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 353,858 total views

 353,858 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 72,343 total views

 72,343 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 141,956 total views

 141,956 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 173,240 total views

 173,240 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 205,253 total views

 205,253 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top