Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 127,545 total reads

Mga Kapanalig, lumabas sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na maraming estudyanteng Pinoy na nasa grade 3 ay may math at literacy level na pang-kinder lamang. Ibig sabihin, ang nalalaman nila sa pagbibilang at pagkukuwenta ay napaka-basic pa lamang para sa isang mag-aaral na nasa mas mataas nang antas sa elementarya.

Sa grade 3, dapat nakapagbibilang na ang estudyante ng hanggang sampung libo. Kaya na nilang mag-add, mag-subtract, mag-multiply, at mag-divide ng mga bilang na may hanggang dalawang numero gamit lamang ang kanilang isip. Nauunawaan na dapat nila ang paggamit ng fractions at ang iba’t ibang uri nito. 

Sa grade 3, marunong na dapat silang gumamit ng English—nakapagbabasa sila at nauunawaan ang teksto at nakapagsasalita na rin nito. Sa kanilang pagsusulat, kumpleto na ang diwa at tama pati ang grammar. Hindi sila nahihirapan sa spelling ng mga salita. Kaya na nilang magsulat ng mga sanaysay o compositions—formal man o informal—kung saan malinaw ang ideyang nais nilang iparating. Ang pinakamahalaga, hindi lang sila nakakapagbasa—naiintindihan nila ang kanilang binabasa.

Hindi raw ito ang kaso sa maraming grade 3 students sa ating bansa. Pang-kinder pa lang ang kaya nila pagdating sa pagsusulat, pagbabasa, pagbibilang, at pagkukuwenta. Anong tingin ninyo sa mga anak at apo ninyong nasa grade 3 na?

Nakababagabag ito pero hindi na nakagugulat. Ilang pag-aaral na ang nailabas tungkol sa estado ng edukasyon sa Pilipinas, at marami sa mga ito ay nagsasabing kulang na kulang ang kakayahan ng ating mga mag-aaral. Ayon sa Second Congressional Commission on Education (o EDCOM 2), dalawa hanggang tatlong taóng atrasado ang mga nasa grade 3. Noong school year 2024-2025, halos isa lamang sa apat na grade 3 students sa Metro Manila (o 24%) ang marunong ng division. Ang tatlong natitira, baka hindi pa nga alam kung ano ang ibig sabihin ng division. Halos apat sa sampung grade 3 students naman (0 44%) ang marunong ng subtraction, gayong sa kinder pa lamang, dapat alam na ito ng mga bata.

Ano ang tugon ng Department of Education (o DepEd) sa problemang ito?

Ang unang tatlong taon pagkatapos ng kinder (o grade 1 hanggang grade 3) ay itutuon daw sa functional literacy. Tumutukoy ito sa mga pangunahing kakayahan gaya ng pagbabasa, pagsusulat, pagbibilang, at pagkukuwenta. Para magawa ito nang mas malalim, babawasan ng DepEd ang mga subjects kada grade: lima sa grade 1, lima sa grade 2, at anim sa grade 3. Pero malaking hamon ito dahil nasa 4.5 milyong estudyante ang nangangailangan ng tinatawag na intervention o nakatutok na paggabay. 

Ang edukasyon ay isang paraan para maisakatuparan ang nasasaad sa Mga Kawikaan 22:6: “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran.” Kaya napakahalagang natatanggap ng kabataan, lalo na sa mga unang taon ng kanilang pag-aaral, ang edukasyong makatutulong sa kanilang paglago bilang mga indibidwal at bilang mga kabahagi ng buhay ng ating lipunan. Pangunahin dito ang literacy—o ang pagiging marunong magbasa, magsulat, at magkuwenta. Nagbibigay ito sa mga tao ng pagkakataong linangin ang kanilang sarili at makalahok sa lipunan, mga bagay na mahalaga sa pagtataguyod ng ating dignidad. Ang dignidad ng tao naman ay haligi ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan. 

Mga Kapanalig, tulungan natin ang estado sa pagtupad nito sa tungkuling magbigay ng de-kalidad na edukasyon sa kabataan. Ihanda natin ang ating mga anak at apo sa buhay na kakaharapin nila. Hikayatin natin sila na matutong magbasa, magsulat, at magkuwenta sa halip na hayaan silang gugulin ang panahon sa social media at mga libangang hindi sila tinutulungang mag-isip. Anong kinabukasan ang meron tayo kung hindi marunong magbasa at magbilang ang mga susunod na salinlahi? 

Sumainyo ang katotohanan. 

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 26,989 total reads

 26,989 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 50,630 total reads

 50,630 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 89,762 total reads

 89,762 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 123,890 total reads

 123,890 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 180,296 total reads

 180,296 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 50,631 total reads

 50,631 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 89,763 total reads

 89,763 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 123,891 total reads

 123,891 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 180,297 total reads

 180,297 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top