Obispo ng Jolo, itinalagang Arsobispo ng Archdiocese of Cotabato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,555 total reads

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Jolo Bishop Charlie Inzon bilang ika-limang Arsobispo ng Archdiocese of Cotabato.

Ipinahayag ng Vatican ang kanyang appointment noong September 8, kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria.

Hahalili si Archbishop-designate Inzon kay Archbishop Angelito Lampon na namuno sa arkidiyosesis mula 2019 at nagretiro matapos maabot ang mandatory retirement age na 75 taong gulang nitong Marso.

Si Archbishop Inzon, na ipinanganak noong 1965 sa Pilar, Sorsogon, ay pumasok sa kongregasyon ng Oblates of Mary Immaculate (OMI) noong 1982 at nagkaroon ng perpetual profession noong 1990.

Nagtapos siya ng Philosophy sa Notre Dame University sa Cotabato City at Theology sa Loyola School of Theology ng Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Naordinahan siyang pari ng OMI noong April 24, 1993 sa Caloocan City at naglingkod sa iba’t ibang parokya at paaralan na pinangangasiwaan ng OMI.

Kabilang dito ang pagiging pangulo ng Notre Dame College sa Jolo at ng Notre Dame University sa Cotabato.

Bago itinalagang obispo ng Jolo noong 2020, nagsilbi rin siyang Provincial Superior ng Oblates noong 2018.

Bukod sa kanyang master’s degree sa Theology mula sa Loyola, nagtamo rin siya ng doctorate in Psychology mula sa Ateneo de Manila University.

Bilang bagong arsobispo, pamumunuan niya ang mahigit isang milyong Katoliko sa arkidiyosesis katuwang ang may 60 pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 48,752 total reads

 48,752 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 86,087 total reads

 86,087 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 121,386 total reads

 121,386 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 347,656 total reads

 347,656 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 238,256 total reads

 238,256 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top