Bagong transmitter ng Radyo Veritas, pagsasabuhay sa utos ni Hesus na ipalaganap ang mabuting balita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,419 total views

Umaasa si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na higit pang mapapalawig ang misyon ng Radyo Veritas sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ang naging mensahe ng Kardinal sa ginanap na pagpapasinaya at pagbabasbas ng bagong transmitter site ng himpilan sa Longos, Meycauayan, Bulacan noong Setyembre 8, kasabay ng pagdiriwang ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria.

Bilang chairman ng himpilan, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang bagong pasilidad ay mahalagang katuwang ng simbahan sa misyon ng ebanghelisasyon.

“Dahil mayroon na tayong ganitong facility, mas lalo nating magagampanan ang ating misyon, ang ating tungkulin na lalong maipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon hindi lamang sa mga karatig pook ng Archdiocese of Manila kundi sa mas malayong bahagi ng ating bansa at sa buong mundo,” ani Cardinal Advincula sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, inihalintulad ng Kardinal ang okasyon sa ginanap na canonization ni St. Carlo Acutis, na kinikilalang “first millennial saint” at patron ng internet.

“We gather a day after the canonization of a saint who inspires us to minister through the modern means of social communications,” dagdag ng Kardinal.

Aniya, ang pagbubukas ng pasilidad ay isang konkretong pagsasabuhay sa utos ni Hesus na “humayo at ipalaganap ang Mabuting Balita sa buong mundo.”

Samantala, iginiit din ni Radyo Veritas President and Chief Executive Officer Fr. Roy Bellen na ang bagong pasilidad ay hamon at inspirasyon upang ipagpatuloy ng himpilan ang kanilang misyon.
“This new transmitter site is our bold statement and testament to continue the mission of Radyo Veritas in bringing the Gospel to every corner of the world, especially the local church in the Philippines. We commit to maximizing media use in the call of new evangelization,” ayon kay Fr. Bellen.

Dumalo rin sa nasabing pagdiriwang sina Malolos Bishop Dennis Villarojo, RCAM Vicar General Msgr. Reginald Malicdem, at mga pari mula sa RCAM Engineering Department na sina Frs. Jomar Burgos at Jeff Jamias. Kasama rin ang mga kinatawan ng Broadcast World Philippines, mga opisyal ng St. Francis of Assisi Parish ng Meycauayan, at ilang kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Bulacan, Meycauayan, at Barangay Longos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 37,950 total views

 37,950 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 61,102 total views

 61,102 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 131,216 total views

 131,216 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 205,830 total views

 205,830 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 283,127 total views

 283,127 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top