CEAP, makikibahagi sa TRILLION Peso march

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 60,815 total views

Makikibahagi ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa malawakang pagkilos upang ipakita ang paninindigan laban sa katiwaliang patuloy na nagaganap sa pamahalaan.

Tinaguruian ang pagkilos na ‘A Trillion Peso March’ na nakatakda sa ika-21 ng Setyembre, 2025 ganap na alas-dos ng hapon sa EDSA People Power Monument kung inaanyayahan ang lahat na magsuot na putting damit upang ipakita ng paghahangad ng katotohanan at pananagutan ng mga Pilipino kaugnay sa trilyong pisong halaga ng kaban na bayan na nauwi sa katiwalian.

Bilang pambansang samahan ng mga Katolikong paaralan sa bansa ay nananawagan rin ang CEAP sa mga guro at mga tagapagturo na higit pang paigtingin ang paggaby sa mga kabataan upang magkaroon ng pagpapahalaga sa integridad upang magabayan ang mga kabataan na maging lider sa hinaharap na mayroong malinis na budhi at dalisay na pagmamahal at pagnanais na maglingkod ng tapat sa Diyos at sa bayan.

“Sa ating mga guro at edukador, paigtingin natin ang ating mga paaralan bilang balwarte ng mga pagpapahalaga at integridad. Mangako tayo na bubuo ng mga etikal, mapagnilay, at mapaghinuhang mga lider ng ating bansa, na may malinis na budhi, na hinubog at maalam, nagsasabuhay ng pagmamahal at paglilingkod sa Diyos at bayan.” Bahagi ng pahayag ng CEAP.

Mariin ding nanawagan ang CEAP sa mga kabataan na bumangon bilang isang henerasyon na may integridad, masigasig, at walang takot na gumamit ng makabagong paraan upang ipapanawagan ang pananagutan at katarungan mula sa pagnanakaw ng mga tiwaliang indibidwal at mga opisyal ng pamahalaan sa kaban ng bayan.

Kabilang panawagan ng CEAP sa mga kabataan ang pagbabantay sa mga proyekto ng pamahalaan, paglalantad ng mga anomalya sa social media, at pakikiisa sa mga gawaing makabubuti sa kapakanan ng komunidad.

“Sa kabataan, hinahamon naming kayong bilang isang henerasyong may integridad; masigasig, malikhain, at walang takot na gumamit ng dihital at iba pang kasanayan upang humiling ng pananagutan at katarungan.” Dagdag pa ng CEAP.

Dismayado rin ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa mga ulat ng Transparency International at World Bank na kabilang ang Pilipinas sa pinakakorap o tiwaling bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Batay sa datos ng World Bank, Asian Development Bank, at International Monetary Fund noong 2024, tinatayang ₱2 trilyon kada taon ang nawawala sa pamahalaan dahil sa katiwalian patuloy na nagaganap sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 37,745 total views

 37,745 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 60,897 total views

 60,897 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 131,011 total views

 131,011 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 205,625 total views

 205,625 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 282,937 total views

 282,937 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 5,971 total views

 5,971 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top